Shaira Diaz reveals reason she is not engaged to Edgar Allan Guzman yet: ‘Aral muna bago kasal’

shaira diaz edgar allan guzman on marriage plansShaira Diaz and Edgar Allan Guzman have been in a relationship for 10 years. Are we hearing wedding bells soon?

Sampung taon nang magkasintahan sina Shaira Diaz at Edgar Allan “EA” Guzman.

Ayon kay Shaira, pinag-uusapan na nila ang kasal kahit hindi pa sila engaged.

Kailan ang plano nilang magpakasal?

Tugon ng aktres, “Pagka-graduate po, siguro kahit isang taon na ipon muna, para lang ready kami parehas, hindi kami pupulutin sa kangkungan, alam mo yun?

“Para magawa namin yung dream wedding namin, gusto ko may ipon kami parehas, hindi lang siya, hindi lang ako.”

ARAL MUNA BAGO KASAL

Bukod sa ipon, may isa pang goal na gustong ma-achieve si Shaira: ang makatapos ng pag-aaral.

Fourth year Marketing Management student ang aktres sa University of Perpetual Help sa Las Piñas City.

Isang taon na lamang ay magtatapos na siya sa kolehiyo.

“And then ipon lang ng one year tapos puwede nang pag-usapan.

“Kasi gusto ko pag plinano na namin yung kasal, parang gusto ko ready na ko, wala ng, ‘Ay teka lang may assignment ako!’

“Walang, ‘Ay teka lang, may project ako!’ Ayoko ng ganun, gusto kong mag-focus na lang kay Edgar.”

EA Guzman, Shaira Diaz spend quality time together in Pampanga | GMA Entertainment

Besides, aware silang dalawa na hindi permanent ang kasikatan nila.

Aniya, “Kasi naniniwala ako na hindi naman forever yung showbiz, e.

“Maraming dumadating, maraming bago, marami ding talented, and ako, nakikita ko na hindi din ako masyadong magtatagal dito.

“I mean, kung gagawa ako ng…kung bubuo ako ng pamilya, I’m sure na parang mas more on doon ako sa family muna, yung ganun po.

“Hindi ko naman sinasabin, hindi ako nagsasalita nang tapos, pero nakikita ko lang yung sarili ko na hindi super, hindi forever talaga.”

Kaya malamang na pagka-graduate niya ay magnegosyo sina Shaira.

“Puwede po, iyon din po talaga yung balak namin ni Edgar, magbi-business po kami para may back-up.”

DREAM WEDDING: SHAIRA AND EDGAR ALLAN

May target na edad ba sila sa pag-aasawa?

“Wala naman, pero sakto na din naman po, e, twenty-eight na po ako ngayon, si Edgar ay thirty-three na po, thirty-three or thirty-four, hindi ako sure,” at natawa si Shaira.

May dream wedding ba sila?

“Church wedding pa din naman.”

Grande ba ang nais nilang ceremony at reception?

“Well, si Edgar gusto niya yung medyo grand, hindi naman super, pero medyo, kasi…”

Kasi pareho silang artista kaya dapat enggrande?

“Well hindi naman. Puwede namang, pero parang once in a lifetime lang naman siya mangyayari, at iyon na rin yung pinaka-gift namin sa isa’t-isa, yung wedding na yun.”

Saad pa ni Shaira, “Kasi ang tagal naming magkasama, ang tagal naming nagmamahalan na, just to celebrate, alam mo yun, parang siguro naman okay lang na medyo grand kahit papaano.”

ENDURING LOVE

Nakakabilib ang relasyon na umaabot ng sampung taon, lalo na sa showbiz, ano ang sikreto nila?

Nakangiting saad ni Shaira, “Siguro ano na lang po talaga, pagkakaroon ng open communication po.

“Nandiyan yung trust, nandiyan yung love, pero yung communication and yung pagiging open.

“Yung honesty din and yung pagiging understanding ng bawat isa, iyon po.”

Malaking bagay din na alam na nila ang kani-kanilang kahinaan.

Shaira Diaz ready for Edgar Allan Guzman's marriage proposal | PEP.ph

“Kasi marami na din kaming ups and downs ni EA, e, nasubok na din kami, pero dahil gusto namin…

“We choose to stay, we choose to be in love with each other, kaya po siguro nagtagal din kami ng ganito.

“Kasi kahit may mga flaws yung bawat isa, tanggap namin yung isa’t-isa.”

Wala ba siyang takot o kaba lalo pa nga at tila uso ngayon sa showbiz ang hiwalayan?

“Alam ninyo po, hindi namin iniisip yun, hindi namin inihahalintulad yung relasyon namin sa iba.

“Kasi sure na kami sa ano, e, sure na kami sa isa’t-isa, yung pagiging consistent ni Edgar na maalaga sa akin, maintindihin.

“Iyon yung pinanghahawakan ko sa kanya, kaya hindi kami natatakot and sine-secure namin yung isa’t isa talaga po.”

Samantala, mapapanood si Shaira sa GMA-7 drama series na Lovers/Liars na pagbibidahan ni Claudine Barretto bilang si Via Laurente.

Gaganap si Shaira sa teleserye bilang si bilang si Nika Aquino. Nasa cast rin ng Lovers/Liars sina Lianne Valentin bilang Hannah Salalac; Kimson Tan bilang Kelvin Chong; Christian Vasquez bilang Victor Tamayo; Michelle Vito bilang Andrea “Andeng” Segreto; Rob Gomez bilang Joseph Mentiroso; Polo Ravales bilang Ronnie Sandiego; Yasser Marta bilang Caloy.

Sa direksiyon ni Crisanto Aquino, napapanood ito sa GMA Telebabad at sa mga nasa abroad, sa GMA Pinoy TV.