Claudine Barretto to begin “witch hunt” targeting two people: “Lalaban na ako.”

Claudine Barretto cryptic post

May pinaghahandaang giyera si Claudine Barretto.

Ito ay ayon sa kanyang Instagram post nitong nakaraang October 8, 2023.

Ibinahagi ni Claudine ang pagbisita ng kanyang “volleyball babies” sa panahong ayaw sana niyang makita siya ng mga itong nasasaktan dahil sa mga taong tila humihila raw sa kanya pababa.

Pero nabigyan daw siya ng karagdagang lakas ng loob ng kanyang mga kaibigan.

Saad ni Claudine sa kanyang post (published as is), “A few days ago. I got a visit from my volleyball babies.

“I didn’t want them to see me in pain because of certain issues and people who are taking me down again.

“As an ate to my volleyball babies I’ve to be strong for my little sisters just in case they need me. but they came in full force to embrace, pray for & pray with me.

“you my volleyball babies thank u for surprising me when I was starting to isolate & gain strength for the battle ahead.Kai @kaibaloaloa @ken_baloaloa thank you so much for the hugs & to comfort me.”

Kasunod nito ay nagpahiwatig si Claudine na may giyera siyang susuungin sa mga susunod na araw.

Tapos na raw siya sa pagtatanggol sa dalawang tao na di niya tinukoy ang pangalan.

Dahil daw sa dalawang taong ito, ilang proyekto na ang nawala sa kanya.

Saad ni Claudine, “The battle that i’ll be going through. I’m done protecting these people. The witch hunt begins. I’ve been losing projects left and right because of these two people and their minions. Lalaban na ako. #truepa”

Ang huling court battle ni Claudine ay sa pagitan nila ng estranged husband na si Raymart Santiago noong 2015.