Mariing tinuldukan ng aktres na si Coleen Garcia ang mga haka-hakang hiwalay na umano sila ng kaniyang asawa na si Billy Crawford.
Sa Fast Talk with Boy Abunda, nilinaw ni Coleen na, “Never kaming nag-break. There were a lot of instances na almost, pero not really, kasi hindi siya pumapayag.”
Ayon sa aktres, laging ipinaglalaban ni Billy ang kanilang relasyon. Aniya, “Hindi talaga. Sabi niya ‘No, we’ll fix this.’ Ipinaglalaban niya talaga always ‘yung relationship.”
Paliwanag ni Coleen, “Most of the times na gumi-give-up ako, its really because, not because may ginawa siya pero dahil napapagod ako.
“Kasi, I think ganoon lang kasi talaga ako Tito Boy. Ganoon lang talaga ako kalala. ‘Ayoko na, tapos na ako!’ Palagi akong gano’n,” nakangiting sinabi ni Coleen.
Dagdag pa ni Coleen, “It took being with somebody who’s the opposite, who taught me the value of commitment talaga. And nadadala ko siya everywhere in my job, in everywhere.”
Dahil kay Billy, natutunan umano ni Coleen na maging committed hindi lang sa kanilang relasyon maging sa iba pang aspeto ng buhay.
Aniya, “Nagpapasalamat talaga ako kay Billy because being married to him really taught me how to be more committed, not just in my marriage but in everything, other relationships, work.
“’Pag nandiyan ka na, kailangan ituloy mo, kailangan panindigan mo and you give your best.”
“Sa amin kasi talaga, he really makes such an effort to always fix what’s wrong,” ani pa ni Coleen tungkol kay Billy.
Ikinasal sina Coleen at Billy noong Abril 2018 sa Balesin. Biniyayaan sila ng anak na lalaki na si Amari noong 2020.
Samantala, mapapanood naman si Coleen Garcia sa pelikulang Playtime kasama sina Xian Lim, Sanya Lopez, at Faye Lorenzo.
Huli namang napanood si Billy Crawford sa GMA sa singing competition na The Voice Generations noong 2023.