Kyline Alcantara not yet ready to fall in love again

Kyline Alcantara not yet ready to fall in love
Kyline Alcantara says she’s not yet ready to fall in love again: “Feeling ko po dapat ko pang mas kilalanin ang sarili ko.”

Hindi pa raw handang muling umibig ang Kapuso actress na si Kyline Alcantara matapos ang masalimuot na kinahantungan ng kanyang nagdaang relasyon.

Ito’y sa kabila ng napapabalitang pagkakaugnay niya sa basketball player na si Kobe Paras.

Sa panayam ni Kyline kay Lhar Santiago ng 24 Oras nitong Miyerkules, June 5, 2024, diretsahan siyang tinanong kung handa na ba siyang muling ma-in love.

Natatawang sagot ni Kyline, “Hindi pa po…

“[Because] feeling ko po dapat ko pang mas kilalanin ang sarili ko.”

Idiin din naman ng Kapuso entertainment reporeter na si Lhar ang napapabalitang pagpaparamdam sa kanya ni Kobe kamakailan.

Sabi ni Lhar, “Alam mo naman na may nagpaparamdam, [ano] yon, parang deadma na lang muna?”

Iwas na sagot ni Kyline, “Meron po ba [na nagpaparamdam?]

“Bahala na lang po muna si God.”

KYLINE-KOBE DATING RUMORS

Noong May 19, nagsimulang pag-usapan kung may namamagitan ba kina Kyline at Kobe.

Ito’y matapos mapansin ng mapanuring netizens ang pagkakahawig ng larawang ipinost nila sa kani-kanilang Instagram account.

Nag-post si Kyline sa Instagram ng mga larawang kuha niya, habang siya ay kumakain. Kabilang sa in-upload niya ang larawan ng mga chef sa loob sa isang kilalang restaurant sa Makati City.

Kyline Alcantara and Kobe Paras spark dating rumors
PHOTO/S: SCREENGRAB @KYLINE ALCANTARA INSTAGRAM

Tanging smiling face with hearts emoji ang inilagay na caption dito ni Kyline.

Ang interior ng restaurant na kinainan niya ay nahahawig naman sa Instagram Stories na ipinost ni Kobe noong araw ring iyon.

Makikita rito ang picture ng nakatayong chefs sa kitchen area habang may dalawang wine glass at bulaklak sa lamesa.

Kyline Alcantara and Kobe Paras spark dating rumors

Walang kahit na anong caption na inilagay si Kobe.

Dahil dito, ilang haka-haka ang lumutang na diumano ay nagde-date sina Kyline at Kobe kaya sila magkasama sa iisang lugar.

Hanggang noong May 30, kinakiligan ng kanilang mga tagahanga ang Instagram post ni Kyline na kinumentuhan at ini-repost ni Kobe sa kanyang Instagram Story.

Sa mga litrato, makikita si Kyline na nakasuot ng gray romper short habang nakaupo sa isa ring gray couch.

Sa comments section ng post na ito ng aktres, kapansin-pansin ang pagkukomento ni Kobe ng smiling face with heart-eyes emoji.

Kobe Paras comments on Kyline Alcantara's Instagram photos

Ni-repost din ni Kobe sa kanyang IG Stories ang nasabing post ni Kyline.

Wala siya ibang inilagay rito kundi white heart emoji.

Kobe Paras reposts Kyline Alcantara's Instagram photos

Dahil sa pagku-comment at repost ni Kobe, marami sa mga tagahanga nila ni Kyline ang nakukumbinsi sa balitang magkarelasyon na ang dalawa.

Hindi naman daw ito masama lalo na’t pareho naman silang single, matapos nilang mahiwalay sa kani-kanilang dating karelasyon.

Huling nakarelasyon ni Kyline ay si Mavy Legaspi at si Kobe naman ay si Erika Rae Portunak, anak ni Ina Raymundo.