Cristy Fermin reveals Sarah Lahbati’s mother sued her, co-hosts for cyberlibel

Taliwas sa akala ng marami, si Cristy Fermin ang sinampahan ng patung-patong na reklamo ng ina ni Sarah Lahbati na si Esther Lahbati.

Inanunsiyo ito mismo ni Cristy sa online show niyang Showbiz Now Na kahapon, March 13, 2024.

Nasa tabi niya ang mga co-host na sina Romel Chika at Wendel Alvarez, na kasama rin sa sinampahan ng reklamo ni Esther.

Ang mga reklamong isinampa ni Esther laban sa tato ay “cyberlibel, harassment, defamation, and unjust vexation.”

Esther Lahbati cyberlibel complaint

Pagkumpirma ni Cristy, “Tutal sa kanya na rin naman po ito nanggaling, kami na po ang kukumpirma.

“Kami pong tatlo ang idinemanda ng cyberlibel ng mag-asawang [Abdel] at Esther Lahbati.

“Kami pong tatlo. At hindi na po namin idedetalye pa ang mga dahilan kung bakit.

“Kasi ang abogado na po namin si na Atty. Ferdie Topacio at Atty. Ralph Andrada ang nakakaalam po ng mga detalyeng ito.”

Esther Lahbati cyberlibel complaint
Esther Lahbati cyberlibel complaint

Ayon pa kay Cristy, nagkaharap na sila ni Esther sa mga pagdinig kaugnay ng reklamong cyberlibel.

“Nagkaharap na po kami nang minsan ni Aling Esther. At may mga susunod pa po.

“At naging maayos po ang aming pagkikita sa piskalya ng Quezon City.

“Kami po yun. Wag na po kayo manghula na baka may isinampa sila laban kay Richard Gutierrez.

“Kami po ang sinampahan nila ng kasong cyberlibel,” ulit niya.

THE REASON FOR CYBERLIBEL

Bagamat hindi idinetalye ni Cristy kung ano ang pinagmulan ng pagsasampa ng reklamong cyberlibel sa kanya ni Esther, mahihinuhang may kinalaman ito sa paghihiwalay ng mag-asawang Sarah at Richard.

Saad ni Cristy sa kanyang programa: “Sa pinakamahabang panahon po, mula nung lumabas yung balita ng paghiwalay nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, walang sinuman sa kanilang dalawa na kumukumpirma sa kuwento.

“Ang tagal! Hanggang sa isang araw ay nagsalita si Sarah na, ‘I am single.’

“‘I am single,’ sabi niya.

“Sa palagay mo, bakit mula sa walang kibo nilang sitwasyon ni Richard, ay nagsabi na si Sarah ng ‘I am single?'”

Cristy Fermin reveals Esther Lahbati sued her for cyberlibel

Dagdag pa niya, “Ang tanong naman po ng napakarami, si Richard Gutierrez, hindi po nagsasalita.

“Pero naghihiraman sila, co-parenting sila sa kanilang dalawang anak.

“Pero si Sarah ang naunang nagsabi na, ‘I am single.’

“Hindi pa po kasi sinasampa ng sino man sa kanilang dalawa ang pagpapawalang bisa sa kanilang kasal. Yung annulment. Wala pa po yun.

“Kaya kumbaga, sa kanilang dalawa, walang may karapatan na magsabing ‘I am single.’

“Kasal pa sila. Nakatali pa. Ngayon, ang dami-dami po talagang nagtatanong.

“Kasi naglabas po ng retrato sa kanyang IG si mommy ni Sarah.”

Ang tinutukoy na “retrato” ni Cristy ay ang Instagram post ni Esther kung saan nagpakuha sila ng asawang si Abdel Lahbati ng larawan sa harap ng Department of Justice (DOJ) office.

Matagal na raw kuha ang nasabing larawan ngunit noon lamang February 29, 2024 lamang ito ipinost ng ina ni Sarah.

Dahil daw sa litratong iyon, marami ang nanghula kung sino ang sinampahan ng reklamo ni Esther.