Darren Espanto on real score with Cassy Legaspi: “Cass and I have always been friends po and we became closer during the pandemic. Until now, we’re still best friends. The rest of the details, sa amin na lang po.”
“Chickboy ng taon” si Darren — na hindi na ginagamit ang kanyang apelyidong Espanto bilang screen name — dahil sa mga babaeng nauugnay sa kanya.
Kabilang rito ang Kapuso actress na si Kyline Alcantara, ex-girlfriend ni Mavy Legaspi, ang kakambal ng matagal nabalitang dating karelasyon ni Darren na si Cassy Legaspi.
Si Darren ang bisita sa Fast Talk With Boy Abunda ntong Lunes ng hapon, Abril 15, 2024.
Ginulat niya ang manonood sa kanyang rebelasyong nagkaroon ng relasyon ni Kyline noon.
“Hindi ko po masagot ng yes or no kasi it’s parang puppy love kind of thing before, when we were younger… in the past,” pagtatapat ni Darren kay Boy Abunda.
Sinabi ni Darren na alam ni Vice Ganda ang nakaraan nila ni Kyline kaya biniro sila ng kanyang It’s Showtime co-host nang lumabas ang Kapuso actress sa noontime variety show na napapanood na sa GMA-7 noong Abril 10.
“Kasi nga mako-complete ko na po yung sentence, kasi nga naging kami dati kaya binibiro kami ni Ate Vice,” pakli niya.
Gaano katagal ang relasyon niya noon kay Kyline?
“Like, a year, I think. We’re very very comfortable,” sagot ng 22-year-old singer.
Nilinaw ni Darren na epekto ng kabataan at hindi third party ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Kyline.
“There are some misunderstandings. And then when we both matured, parang six years later, parang napag-usapan namin.
“Eventually, we became okay with each other again. Naging friends na uli.
“[Walang third party]. Misunderstandings talaga kasi siyempre kapag mga bata, parang konting mga petty na away.”
JAYDA AVANZADO
Kinumpirma rin ni Darren sa guesting nito sa Fast Talk with Boy Abunda na nagkaroon sila ni Jayda Avanzado ng romantic relationship.
Walang pag-aalinlangang sabi ni Darren, “Jayda and I have been friends since we were younger din po, and Jayda and I are still friends naman.
“And for me, it’s something that I guess we’d like to keep private as well. Yung things from the past.”
Tanong ni Boy, “Was there anything romantic between the two of you?”
Sagot ni Darren, “Opo. There’s definitely was, but yun lang ang sasabihin ko. We’re still friends.”
JILLIAN WARD
Alam na alam ni Darren na may mga tagahangang pilit isinusulong na magkaroon sila ng love team ni Jillian Ward dahil nakitaan nila ng chemistry ang dalawa.
Diretsahang tanong ni Boy kay Darren, “May gusto ka ba kay Jillian Ward? Nagkakaligawan na ba?”
Ayon sa Kapamilya singer, “She guested sa launch namin on GMA. Nagulat nga po kaming dalawa kasi hindi namin ine-expect.
“After that episode, I was surprised kasi siya pa unang nag-follow sa akin [sa Instagram], so I followed her back and then we started talking.
“Kasi, before we parted ways, parang napag-usapan namin na sana one day, we could do a collaboration. Kasi nagkasama kami sa isang corporate event before and she can also sing.
“She asked if one day puwede akong mag-guest sa parang YouTube channel niya.”
Pero diin ni Darren tungkol sa estado ng relasyon nila ni Jillian, “Friends lang.”
“Getting to know each other kasi siyempre this is the first time we ever met po, sa launch ng GMA.
“Malay natin, makapag-prod po kami sa Showtime.”
Naghatid ng kalituhan ang sinabing ito ni Darren dahil sa kanya nanggaling ang impormasyong una silang nagkasama ni Jillian sa isang corporate event.
Pero sa sumunod niyang pahayag, sinabi nitong una silang nagtagpo ng young actress nang ilunsad sa GMA-7 ang It’s Showtime noong Abril 6, 2024.
CASSY LEGASPI
Sa huli, binigyang-linaw ni Darren ang isyung nag-aaway sila ni Cassy.
Saad niya, “Nagulat po ako na yun po ang biglang mga lumalabas because I had an interview also recently and I clarified things that we are best friends.