Dimples Romana says Angel Locsin “very much aware” people look for her

Dimples Romana and Angel Locsin

Dimples Romana reveals she recently visited Angel Locsin at her house in Metro Manila. She also talks about Angel’s disposition in life now away from the spotlight

Ikinatutuwa ni Angel Locsin na hinahanap pa rin siya ng mga tao kahit naka-break siya ngayon at matagal nang hindi nagpapakita sa publiko.

Ito ang ibinunyag ng kanyang matalik na kaibigang si Dimples Romana sa isang recent press conference.

Higit isang taon nang hindi nasisilayan ng publiko si Angel, at kahit sa social media ay hindi siya aktibo.

Ibinahagi ni Dimples na alam ni Angel na hinahanap siya ng tao at ikinatutuwa niya ito. Kamakailan daw ay nabisita ni Dimples si Angel sa bahay nito.

Kinumpirma ni Dimples na nasa Metro Manila pa rin si Angel.

Aware ba si Angel na hinahanap siya ng tao?

“She’s very much aware. And she’s very much happier [that] all are looking for her. It’s touching her heart, yun lang,” sabi ni Dimples sa launch ng kanyang skin-care brand na Dreamcake sa Seda Vertis North, Quezon City, noong October 23, 2023.

Dimples Romana Shares Sweet Birthday Message For Angel Locsin

Nakakainggit nga raw ang sitwasyon ni Angel na may kakayahang magpahinga muna.

Paliwanag ni Dimples, “Kasi ang saya, di ba? Don’t we all love that na parang, ‘Grabe, huwag na muna akong mag-social media, tapos dito muna ako.’

“Di ba, ang saya, e. Kung may ganon din naman akong luxury, bakit naman hindi?

“Kaya lang, hindi mahal ang paglipad ni Ate sa Australia,” pagtukoy ni Dimples sa kanyang panganay na nag-aaral sa Australia.

Hindi ba naitanong ni Dimples kay Angel kung kailan ito babalik sa showbiz?

“No, I don’t,” sagot ni Dimples. “Parang it’s not something I wanna ask of her also, because I see she’s so happy.

“Pag kaibigan ka and you see your friend happy, bakit ko naman siya idadamay pa na, ‘Halika dito, damay-damay tayo,’ ayoko.

“Gusto ko nga ako na idamay niya dun, e. Gusto ko nga sabihina niya sa akin, ‘Gusto mo, dito ka muna?’ Kaya lang, di niya gagawin kasi ang daldal ko,” natatawang kuwento ni Dimples.

MUST READ: This conversation of Angel Locsin calling Dimples Romana “Anabelle” is so hilarious!

RECENT VISIT TO ANGEL

Ang tiniyak ni Dimples sa kanyang recent visit kay Angel ay masaya ang huli na nagpapahinga siya ngayon.

Ani Dimples, “I’m happy, fortunately able to see her. I just have to visit her because she’s there at home.

“But I will tell you she’s so happy, she’s very light, she’s so giddy when I talk to her; she’s so happy, loved…

“If you miss her, know that she is doing very well. She’s happy living her married life with Neil [Arce].”

Nakakatawa pang kuwento ni Dimples, mas matagal pa ang naging bonding nila ni Neil.

“Pagdating ko pa sa bahay nila, kasi si Gel talaga kasi kilala niyo siya, di ba, pag nagbabanyo siya ang tagal… Matagal siya talaga, for example, hours siyang nandodoon, naliligo.

How Dimples Romana feels blessed having 'treasured' friends like Bea Alonzo and Angel Locsin | Lifestyle.INQ

“So, kami ni Neil muna yung nag-bonding. Hanggang sa kailangan ko nang umalis.

“So, sabi ko sa kanya, ‘Mars, ano, lalabas ka ba o aalis na ako?’

“Sagot naman daw ni Angel, ‘Hindi, lalabas na ako.’”

Hirit ni Dimple, “So, akala ko mag-uusap lang kami sa pinto, e.”

Ang nakita raw niya ay isang Angel na masaya sa kanyang disposisyon ngayon.

“So, she came out. So I’m always happy to see her kasi, isn’t that a dream of ours?

“Na, we just stop with social media, live a life that is simple, and comfortable, and happy…

“I’m so happy that Gel came to a point, of course, with the help of Neil, to just detach for a little bit.

“It’s done her very, very well.

“She was asking me about the things that are happening in my life now, kasi hindi rin siya sumasagot sa phone, by the way, para lang alam niyo.

“It’s an old school kind of visiting. Yung tipong hindi pa uso yung mga telegrama, pupunta ka lang sa bahay. Ganon yung relasyon namin ngayon.”