Dominic Roque on KathNiel breakup: “Nakakalungkot, talagang nasaktan din ako.”

Sa kauna-unahang pagkakataon, nagbigay ng pahayag si Dominic Roque sa kontrobersiyal na paghihiwalay nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Si Dominic ay kilalang malapit na kaibigan ng dalawa.

Nasa iisang barkadahan sila na kung tawagin ay Nguya Squad, kasama ang iba pa nilang celebrity friends na sina Patrick Sugui, Marco Gumabao, Ria Atayde, Zanjoe Marudo, Joe Vargas, Alora Sasam, at Joshua Garcia.

Kasama rin sa grupo ang real-life couples na sina Khalil Ramos at Gabbi Garcia, at Sofia Andres at Daniel Miranda.

Noong November 30, 2023, kinumpirma nina Kathryn at Daniel sa publiko na nagwakas na ang labing-isang taon nilang relasyon.

Dominic Roque on KathNiel breakup

Sa panayam ni Dominic sa TV Patrol noong Lunes, January 22, 2024, nahingan siya ng reaksiyon ng entertainment reporter na si MJ Felipe tungkol sa breakup ng kanyang mga kaibigan.

Pag-amin ng fiancé ni Bea Alonzo, kasama siya sa libu-libong tagasuporta ng KathNiel na nalungkot sa kanilang paghihiwalay.

Bagamat hindi maayos ang pagkakaibigan nila ngayon ni Daniel, naging parte rin naman daw sina Kathryn at Daniel ng kanyang buhay kaya ganoon na lamang siya nasaktan sa breakup ng mga ito.

Saksi raw kasi si Dominic sa pagmamahalan noon nina Kathryn at Daniel hanggang sa tuparin nila ang kanilang mga pangarap magkasama.

Aniya, “Nakakalungkot kasi, you know, I’ve been part of their journey din as a love team.

“Nakita ko rin sila kung paano sila lumaki, paano nila ginawa yun mga bagay together.

“Nakakalungkot, talagang nasaktan din ako.”

Kahit may hindi pagkakaunawaan sa pagitan nila ni Daniel, hindi naman daw nawala kay Dominic ang kanyang pag-aalala, lalo na kay Kathryn.

Saad ni Dominic, “I’ve been friends for them for a long, long time.

“Nagkaroon man kami ng falling out ni Deej [Daniel] in the past years, [but] I’ve been in touch with Kath since.

Dominic Roque - YouTube

“Hindi naman kami nawalan ng pag-uusap, I mean ng communication.”

Daniel not invited to Dominic-Bea’s wedding

Hindi itinatago ni Dominic sa publiko na hindi sila on speaking terms ni Daniel simula pa noong 2020.

Sa katunayan, ito raw ang dahilan kung bakit hindi niya iimbitahan si Daniel sa kasal nila ni Bea.

Ito’y kahit pa kumpirmadong invited naman si Kathryn.

Sabi ni Dominic, “Si Kath [invited].

“Kasi hindi pa naman kami okay ni DJ [Daniel].

“I mean, we’re not talking since 2020. We haven’t seen each other for the longest time since 2020.”

Maaari pa naman daw ito mabago lalo na’t hindi pa nailalatag nang maayos nina Dominic at Bea kung sinu-sino ang iimbitahan nila sa kanilang kasal.

Pero bukod kay Kathryn, kasama rin sina Marco, Khalil, at Patrick sa siguradong iimbitahan ni Dominic.