Nakumpirma ni Esther Lahbati na hiwalay na talaga ang anak na si Sarah Lahbati sa asawang si Richard Gutierrez.
Mangyari’y may pahayag si Esther sa Instagram post ni Sarah, araw mismo ng Pasko, December 25, 2023, kung saan makikitang kasama ni Sarah ang mga anak na Zion at Kai Gutierrez at ang Lahbati family.
Nagdiriwang sila ng kapaskuhan, at ang tanging caption ni Sarah ay praying hands at heart emojis.
Tanong ng isang netizen (published as is): “Pre recorded video ba to? O nsa japantlgamga bata”.
Tugon dito ni Esther ay kasama ni Sarah ang mga anak sa pagdiwang ng Christmas eve.
Aniya (published as is): “na kay Sarah sina zion at Kai. Live na Live with the family of Sarah. Co parenting sila ng tatay.”
Ang “co-parenting” ay ginagamit para sa mga couple na magkahiwalay ngunit may kasunduan sa pag-alaga ng mga anak.
Dagdag dito, taliwas ang pagdiriwang ni Sarah ng Pasko kasama sina Zion at Kai sa unang pahayag ng balaeng si Annabelle Rama, na magpa-Pasko at magba-Bagong Taon silang buong mag-anak sa Japan, “minus one lang”.
Komento naman ng isa pang netizen, “toxic” daw ang pamilya Gutierrez kaya tama lang daw ang ginawa ni Sarah na huwag umimik.
Mensahe nito kay Sarah (published as is): “You deserve more. The Gutierrez family is not good for you’re well-being, they’re toxic like the Kardashan’s or wanna be Kardashan’s clan. Your tribe will be your #1 support and hold on to that. Don’t settle for less. If Richard can let you go like that.. then, he is not a man of worth. Woman, you are enough. Annabelle is known for “as being a home-wrecker”. YOU HAVE MUCH MORE CLASS THAN HER. #realtalk
Labis naman itong sinang-ayunan ni Esther gamit ang raising hands at applause emojis.
Sabi ng isa pang netizen, sana’y iniisip ni Annabelle ang kapakanan ng mga bata bago ito magsalita.
Aniya (published as is): “Sana bago ibuka ni Annabelle bunganga niya isipin sana niya epikto nang mga nastiness niya sa mga bata , parang excited siya may mga masasamang pangyayari sa mga pamilya at pa interbyo siya agad, unfortunately her son was hiding behind her skirt how sad , be strong Sarah”.
Pagsang-ayon ni Esther: “kaya nga eh. [slightly frowning face emoji]”
Pag-selebra naman ng isa pang netizen (published as is): “Haaay!!! Nagwagi tayo guys di niya pinadala sa Japan salamat naman [smiling face with heart eyes emojis]
“Pwede naman co-parenting kaso wala sanang atribidang biyanan ang mangingi- alam [hands covering eyes and mouth emojis] Merry Christmas @sarahlahbati”.
Isang pulang heart emoji ang sagot dito ni Esther.
Walang alinmang komento ang sinagot ni Sarah.