Masaya ang vibes sa katatapos lang na MMFF 2023 Gabi ng Parangal dahil masaya ang karamihan sa winners.
Pero hindi maiwasang merong kinukuwestiyon kung bakit si ganito o si ganire ang nanalo, bakit ganun ang nangyari?
Ang isa sa tinatanong ng ilan ay bakit may 4th Best Picture, na nakamit ng When I Met You In Tokyo nina Vilma Santos at Christopher de Leon?
Kung hindi ako nagkakamali, sa 10th edition ng MMFF noong 1984 nag-umpisa na maliban sa best picture ay meron ding 2nd best picture at third best picture.
Sa MMFF 1986 ay 3rd best picture lang ang ipinagkaloob ng mga hurado. Walang best picture, at wala ring 2nd best picture.
Sa MMFF 1989 ay best picture lang ang napili ng jurors. Sa MMFF 1994, walang award para sa best picture, 2nd best picture, Gatpuno Antonio J. Villegas Award, best director, at best screnplay.
Noong Hunyo 1994 naganap ang makasaysayang Manila Film Fest Scam, at tumamlay sa takilya ang Pinoy movies after that fiasco.
Mula MMFF 1995 hanggang MMFF 2022 ay lagi nang may best picture, 2nd best picture, at 3rd best picture.
First time sa kasaysayan ng MMFF na apat ang kinilalang best pictures!!!
Ang pagkakaintindi ko, ibinalik sa sampu ang official entries this year at karamihan sa mga ito ay de kalidad, kaya mas mabuting magdagdag ng isa pang best picture winner.
Hindi nagtipid ang mga hurado sa pagpili ng mga nominado. Di ba, Jerry Olea, na binansagang ‘Generous Olea’?
Maganda namang maraming kinunsidera para mapasama sa mga nominado.
JERRY OLEA
Star-studded ang Metro Manila Film Festival (MMFF) 2023 Gabi ng Parangal noong Disyembre 27, Miyerkules ng gabi.
Tulad ng dati, may mga questions sa mga nanalo. May mga bitter-bitter-an at ampalaya con papaitan.
Kabilang ako sa 11-member Board of Jurors.
Ang chairman ng lupon ng inampalan ay ang multiawarded director na si Chito S. Roño, at ang vice-chair ay ang grand slam actress na si Lorna Tolentino.
Ang iba pang mga hurado ay sina Atty. Maria Luwalhati C. Dorotan, Direk Jose Javier Reyes, USec. Frisco S. San Juan Jr., Direk Mike Sandejas, Lee Briones Meily, Dr. Jaime G. Ang, Tara Illenberger, at Raymond “RS” Francisco.
Si USec. Frisco S. San Juan Jr. ay member ng MMFF Executive Committee.
Wala sa awards night ang Overall Chairman ng MMFF ExeComm at concurrent Acting Chairman ng MMDA na si Atty. Romando “Don” Artes, kaya si USec. ang nag-deliver ng opening remarks nito.
Dalawampu’t lima (25) ang members ng MMFF ExeComm, kabilang ang ka-Troikang Noel Ferrer.
Bakit kamo may 4th Best Picture sa 49th MMFF?
Request ng MMFF ExeComm na magbigay ng 4th Best Picture dahil sampu ang official entries this year, at de kalidad halos lahat iyon.
May kaukulang cash prize ang 4th Best Picture.
Walang lutuan sa awards night.
Nag-deliberation ang Board of Jurors noong Disyembre 27, Miyerkules, mula 10:00 a.m. sa Renoir Meeting Room ng Novotel Hotel, Cubao, Quezon City.
Naka-Zoom ang isa sa sampung hurado, ang multiawarded editor na si Tara Illenberger.
Pasado 3:00 p.m. natapos ang deliberation at botohan. Maayos at masaya ang talastasan at balitaktakan ng mga hurado. Walang pikunan.
Matapos ang botohan ay umalis na ang siyam na hurado na hindi alam kung sinu-sino ang nagwagi.
Nagpaiwan ang Chairman na si Direk Chito S. Roño at Vice Chair Lorna Tolentino upang alamin ang resulta. Sakaling may tabla, prerogative ng Chairman ng Jury kung ibe-brea
NOEL FERRER
Request din ng MMFF ExeComm sa jurors na kung maaari ay at least five ang nominado sa bawat kategorya.
Sa best child performer ay tatlo lang child stars ang pumasa sa panlasa ng mga hurado. Tatlo rin lang ang nominado sa Gatpuno Antonio J. Villegas Cultural Award.
Lima ang nominado sa mga kategoryang best sound, best musical score, best visual effects, best production design, Gender Sensitivity Award, at best supporting actress.
Anim ang mga nominado sa mga kategoryang best original song, best editing, FPJ Memorial Award for Excellence, best screenplay, best director, best actor, at best actress.
Pito ang mga nominado sa kategoryang best cinematography. Walo ang nominado sa kategoryang best supporting actor.
Lahat ay nominado bilang best float at best picture.
Sa labing-isang hurado ay si ka-Troikang Jerry ang pinaka-vocal na maging generous sila sa pagno-nominate, kaya tinagurian siya ni Direk Chito S. Roño na Generous Olea.
Ang sabi ng Vice-Chair na si Lorna Tolentino, napakarami ng aspiring entries sa 49th MMFF.
Tatlumpong (30) finished films ang pinagpilian para sa last six slots. Ani Lorna, mapabilang lang sa sampung official entries ng MMFF 2023 ay maituturing ka nang winner.
De kalidad, ikanga. OK lang na maging generous sa pagno-nominate dahil karapat-dapat namang ma-nominate ang mga iyon.