Male showbiz personality, humagulgol nang di manalo sa MMFF 2023 Gabi Ng Parangal

Blind Item

Marami ang nakakitang humahagulgol nang iyak ang isang male showbiz personality matapos idaos ang Gabi ng Parangal ng 49th Metro Manila Film Festival.

Ginanap ang awards night noong Miyerkules ng gabi, Disyembre 27, 2023, sa New Frontier Theater sa Araneta City, Cubao, Quezon City.

Bilang respeto sa male showbiz personality, hindi na siya nilapitan o tinanong ng mga kakilala na nagulat sa nasaksihang eksena ng pag-iyak.

May mga nag-iisip na maaaring napaluha ang male showbiz personality dahil nangibabaw nang husto ang kalungkutan nang hindi manalo ng mga parangal ang pelikulang kanyang pinagbuhusan ng atensyon at panahon.

Hindi matatawaran ang husay ng male showbiz personality na madalas na nagwawagi ng mga parangal sa film festivals.

Pero naging mailap sa kanya ang suwerte sa 49th Metro Manila Film Festival.

Hindi man pinalad na makatanggap ng pagkakilala ang pelikula ng male showbiz personality, malaki pa rin ang kanyang dapat ipagpasalamat dahil kabilang sa Top 5 entries ng festival ang proyekto niya.

May mga television guestings pa sana ang male showbiz personality pero tinanggihan na niya dahil pupunta siya sa ibang bansa para magbakasyon.

Makatutulong ang sandali na pag-alis sa bansa ng male showbiz personality para malibang siya at pansamantalang makalimutan ang matinding kalungkutan dulot ng naging kapalaran ng kanyang pelikula sa Gabi ng Parangal ng 49th Metro Manila Film Festival