Faith Da Silva nang mapabilang sa ‘Sang’gre’: ‘I think this is the right time’

“During ‘Encantadia’ 2016, I auditioned for the role of Mira… and hindi ako nakuha for that. Pero hindi ko alam na after six years magkakaroon din pala ng isang karakter na anak din ni Glaiza de Castro.” – Faith Da Silva

Itinuturing na “right time” ni Faith Da Silva ang pagkakataon na ibinigay sa kanya na mapabilang sa isa sa mga bagong henerasyon ng Sang’gre.

Angel Guardian, Kelvin Miranda, and Faith da Silva join 'Encantadia' spin-off 'Sang'gre'

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com, inalala ni Faith ang naging audition noong 2016 sa Encantadia para sa karakter ni Mira, anak ni Sang’gre Pirena, kung saan hindi siya pinalad na makuha.

“During Encantadia 2016, I auditioned for the role of Mira, anak din po ni Glaiza de Castro and hindi ako nakuha for that,” kuwento ni Faith.

Pagpapatuloy niya, “Pero kasi I saw the audition and nakita ko si Kate [Valdez] na talagang… para sa kanya talaga iyon. Pero hindi ko alam na after six years magkakaroon din pala ng isang karakter na anak din ni Glaiza de Castro.”

Sa continuation ng iconic telefantasya ng GMA na Encantadia, gaganap si Faith bilang Sang’gre Flamarra, anak ni Sang’gre Pirena at ang magmamana ng Brilyante ng Apoy.

Ngayon pa lamang ay excited na si Faith para sa napakalaking proyekto at puspusan na rin ang ginagawa niyang paghahanda kasama ng iba pang bagong mga Sang’gre na sina Bianca Umali, Kelvin Miranda, at Angel Guardian.

“Unang-una sa lahat ‘yung excitement talaga hindi nawawala. For sure, hindi lang sa akin kung hindi the rest of the cast.

Faith Da Silva in Bathing Suit is "a Summer Thing" — Celebwell

“Kami ni Angel, nagkausap kami recently and we were talking about how big of a responsibility this is for us. Hindi lang sa mga Sang’gre, sa aming apat, kung hindi sa buong team because it is such a big project.

“Alam ko maraming nag-abang, six, seven years ang hinintay ng ating mga Kapuso. Alam kong marami po talagang supporters ang Encantadia. We will make sure na kung ano po ‘yung ibibigay namin sa inyo is a quality project and a quality performance.

“We have been preparing for this, kaming mga Sang’gre. We went through an acting workshop. Ang daming preparation na nangyari. I have been working out even pa mag-start itong Sang’gre.

“I remember people were asking me, ang sabi nila, ‘Ano ba raw ang pinaghahandaan ko? Bakit daw ba sobrang effort ako.’ At noong time po na ‘to hindi ko pa po alam na ako na po si Sang’gre Flamarra. And I would always say na, ‘I’m preparing for something big.’

“At that moment, hindi ko pa alam kung ano ‘yun pero ipinagkaloob ‘to sa akin ng universe. And, I think this is the right time because sa lahat po ng pinagdaanan ko I feel like this is leading towards this moment.

“I am very much excited sa lahat ng ating mga Kapuso na mapanood at masaksihan ang napaka makulay na kuwento ng [Encantadia Chronicles: Sang’gre].”

Congratulations, Faith Da Silva!