Gabby Concepcion at Albert Martinez, parehong nagkaroon ng kaugnayan kay Sharon Cuneta

Naungkat ang naging relasyon ni Albert Martinez kay Sharon Cuneta sa media conference ng Gabay Guro nitong Miyerkules ng hapon, October 10, 2023.

Kasama ni Albert na humarap sa mga miyembro ng entertainment press ang kanyang kapwa ’80s heartthrob at ex-husband ni Sharon na si Gabby Concepcion.

Si Gabay Guro Chairperson Chaye Cabal-Revilla ang paulit-ulit na nagtanong kay Albert kung totoong siya ang unang naging boyfriend ni Sharon.

Pero tumawa lang ang 62-year-old actor habang natatawa rin si Gabby.

“Si Sharon ang first boyfriend niya si Albert! Tama ba? Parang nabasa ko yun dati nung bata pa ako.

“Huy, Albert, di ba totoo yon? Nabasa ko yon dati, sa magazine,” curious na tanong ni Chaye.

gabby concepcion albert martinez gabay guro

Pero ayon kay Gabby, “Hindi. Sila ni Snooky [Serna].”

“Mali yata itong event na napasukan ko,” nagbibirong reaksiyon ni Albert tungkol sa pag-uusisa ng Gabay Guro chairperson tungkol sa nakaraan nila ni Sharon.

Hindi man sinagot nang diretso ni Albert ang tanong, kinumpirma ng aktor sa isang panayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) noong March 2018 na siya nga ang naging unang boyfriend ni Sharon sa showbiz.

Bahagi ng pahayag noon ni Albert: “Sa showbiz, ako ang una.

“I met her sa GMA Supershow and that was the time na ‘Mr. DJ’ song.

“‘Tapos, we were offered to do yung first movie nila ni Gabby, yung Dear Heart [1981]. Kaya lang, hindi ako pinayagan ni Mother Lily, ibinigay sa akin yung Bata Pa Si Sabel [1981].

“Nagpalit kami ni Gabby, kasi dapat siya ang partner ni Snooky. While nasa Vigan ako, ginagawa niya ang Dear Heart.

“Naging girlfriend na niya [Gabby] si Sharon, naging girlfriend ko si Snooky.”

Tumagal din daw ng isang taong ang relasyon nina Albert at Sharon.

Sharon Cuneta reveals past love life, broken engagement to billionaire's son | PEP.ph

Una na rin itong kinumpirma ni Sharon sa online dialogue niya kanyang facebook followers noong February 2018.

Pero inilarawan ng Megastar ang relasyon nila ni Albert bilang “puppy love” dahil sobrang pata pa nila noon.

Ang “first real love” daw niya ay si Gabby, na pinakasalan niya noong 1984.

TRIBUTE TO TEACHERS

Sina Gabby at Albert ang dalawa sa maraming artistang sumusuporta sa Gabay Guro kahit hindi sigurado ang kanilang pagdalo sa “Pagpupugay at Pasasalamat Kay Ma’am at Sir,” ang star-studded event na pagbibigay parangal sa mga guro na magaganap sa October 14, 2023, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

Ayon kay Albert, ang pagdalo niya sa media conference ng Gabay Guro ang kanyang kontribusyon at suporta sa mga guro dahil may trabaho siya sa darating na Sabado.

“Unfortunately, I am working on the 14th. Basta available naman kami, automatic, kapag tumawag si Ms. Chaye, nanginginig pa kami.

“Because of the schedule, na-timing lang na working day yung October 14. We’re shooting Pedro Penduko, that’s for the Metro Manila Film Festival,” paliwanag ni Albert.

Inilahad din ni Albert ang malaking pagpapahalaga niya sa mga guro.

“Personally, the reason I am very supportive kasi ito yung area na kailangan talaga ng tulong. Sila yung our heroes na medyo hindi napapansin.

“And when Miss Chaye created Gabay Guro, nabigyan sila ng focus. So now, hindi lang sila on the side pero naka-front na sila.

“Kumbaga, sila na yung top heroes natin ngayon,” saad ni Albert.

Sharon Cuneta - Alchetron, The Free Social Encyclopedia

Sabi naman ni Gabby, “Strike anywhere naman kami. I may not be there… pero kapag nalibre, I’ll be there.

“Ang sa akin, simple lang. When I first heard about it, naging automatic yon at magaan kong tinanggap because my mother-in-law ay teacher.”

Sinabi naman ni Chaye na hindi na dapat tawaging unsung heroes ang mga guro dahil higit karapat-dapat na bigyan sila ng paggalang at pagpapahalaga.

Saad niya, “This year’s Grand Gathering theme, Pagpupugay at Pasasalamat kay Ma’am at Sir, is all about honoring and thanking our beloved teachers for their continued service and sacrifices for the benefit of our Filipino youth.

“Our theme rightfully acknowledges and gives due respect to our teachers for the contribution that they make to nation-building.

“We should really stop calling them unsung heroes and instead, always recognize and respect how they have touched our lives with their unwavering passion to teach.”

Ang “Pagpupugay at Pasasalamat Kay Ma’am at Sir” ay pangungunahan nina Sharon, Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Jona, Klarisse, Bituin Escalante, at ibang mga artista ng ABS-CBN.