Gabby Eigenmann opens up about special bond with late stepmom Jaclyn Jose

Birthday ni Gabby Eigenmann noong Marso 2, 2024, Sabado.

Noong araw ring iyon binawian ng buhay si Jaclyn Jose, pero kinabukasan pa nadiskubre ang katawan nito.

Happy ba ang birthday ni Gabby noong Sabado?

“Happy naman,” bittersweet na pag-smile ng Kapuso actor nitong Marso 7, Huwebes ng gabi, sa Arlington Memorial Chapels sa Araneta Avenue, Quezon City.

“Mixed emotions, siyempre. OK, ano lang yan, e. Every birthday ko, usually pagka… hindi siya eksaktong 12:00 pero mga 11:50 or minsan, 12:10, binabati ako ni Tita Jane.

gabby eigenmann jaclyn jose

“So it’s gonna be a memorable birthday for me, most definitely.”

Ang “Tita Jane” na tinutukoy ni Gabby ay si Jaclyn, na ang totoong pangalan ay Mary Jane Guck.

Nakapag-celebrate ba siya noong nakaraang kaarawan niya?

“Nakapag-celebrate ako sa bahay, kasi we found the news Sunday na. The next day na,” sambit ni Gabby.

“Sa bahay lang naman kami with my family. So, kumain lang kami sa bahay. Simple lang naman akong mag-celebrate, e.

“OK na ako na binabati ako. Yun na yung nagpapataba ng puso ko, and what keeps me going in life.

“Yung naaalala ka nila, kahit alam naman natin sa Viber, may reminder na birthday, di ba?

“Pero yung mga close mo na tao, yun ang mga inaabangan ko lagi. So, yeah, yun nga, isa sa mga inaabangan ko was yung kay Tita Jane.”

EIGENMANN SIBLINGS AND THEIR MOTHERS

Naikuwento ni Bing Pimentel na friendly sila nina Irene Celebre, Jaclyn Jose, at Maricar Jacinto — ang apat na mothers ng anim na mga anak ni Mark Gil.

Read: Bing Pimentel shocked by “tragic” death of Jaclyn Jose

Kinumpirma ng daughter nina Bing at Mark na si Max Eigenmann na magkakakilala silang magkakapatid sa ama, at wala silang isyu o bangayan.

Read: Max Eigenmann recalls spending weekends with half-sister Andi, stepmom Jaclyn Jose

Pinatotohanan din iyon ni Gabby Eigenmann, na anak nina Mark at Irene.

“My mom was supposed to be here, pero nahihiya siyang pumuntang mag-isa,” pagtatapat ni Gabby.

“Sabi ko, ‘Basta, punta ka lang!’ Ha! Ha! Ha! Ha! So, ano naman sila, they remain friends, lahat ng mga minahal ng daddy ko.

“Kahit na nung when dad passed away, dun sa wake niya, everyone was there. All the girls my dad loved.”

Noong Setyembre 1, 2014 pumanaw si Mark, na Ralph Eigenmann sa totoong buhay.

Read: Mark Gil dies at 52

Sabi ni Max, close silang apat na daughters ni Mark.

Napatango si Gabby, “Oo naman, oo naman, which is good. Kasi, kami namang magkakapatid, we never take each other as half-siblings, e.

“Ano kami talaga, regardless kung sino ang mga nanay namin… basta, isa ang tatay namin.

“Hindi na namin kailangang isipin o pagtuunan pa ng pansin na iba ang mga nanay namin. No. Yan ang maganda, e.”

GABBY’S CLOSENESS TO JACLYN

Malapit talaga si Gabby kay Jaclyn noong nabubuhay pa ito.

“Yeah, I’m sure naman yung most na naka-witness when Andi [Eigenmann] was growing up, kasi di ba, nung naghiwalay sila ni Daddy, away-bati, away-bati,” pagbabalik-tanaw ni Gabby.

Gabby Eigenmann - Biography - IMDb

“Open book naman yun. Ako yung… ako yung tumatakas kay Andi. Ako yung humihiram kay Andi kay Tita Jane pag may family gathering ang mga Eigenmann.

“I would step up and represent na pag hihiramin ko si Andi, and Tita Jane also… that’s why yung closeness namin ni Tita Jane goes back years.

“Para sa kanya, parang ako yung totoong tumayong… not that I was replacing my dad, no — na big brother.

“Kuya, e. Pinaka-kuya. So, isa sa mga una kong suweldo nung nag-i-start pa lang ako sa showbiz, I took Andi to go shopping. I bought her toys.

“Yung mga simpleng… it might sound unfair to my other siblings pero hindi naman kasi.

“Of course I had Ira, I mean, same kami ng mom. Siyempre close talaga kami. We grew up together.

“Tapos si Timmy [Sid Lucero] and si Max, nung bata kami, we sleep dun sa bahay nila nung sila pa ni Tita Bing, nung daddy ko.

“So, close naman kaming lahat, but mas napapansin ng iba, parang hands on ako at overprotective kay Andi.

“Kasi yun nga, because… because ano, e… mas naging ano si Tita Jane kay Andi. Yun talaga ang makikita mong single mom talaga.

“I’m not saying that dad wasn’t supportive. But… hindi sila OK, e, nung mga panahon na yun.

“So I was the one shielding every negative ano na para hindi sila mag-away. Ako yung laging panangga nilang dalawa.

“Ako yung nasa, ‘Ako na ‘to, ako na’ng bahala dito.’ So, yeah, kaya maano ako sa…

“And Tita Jane would proudly say it out loud. Na she was very expressive about it how much she loves me, and ganun din naman ako.”

Nababanggit ni Jaclyn sa mga presscon na love niya si Gabby.

“Natutuwa naman ako because hindi ko naman ginagawa ito kasi kailangan kong pa-impress kay Tita,” pagngiti muli ni Gabby.

“Hindi, e. It’s innate. Lahat naman, e. Lahat naman ng kapatid ko, pag may problema would call me.”