Masakit pa rin sa singer na si Gigi de Lana ang pagpanaw ng inang si Imelda de Lana noong May 15, 2024.
Nagkataon pang nasa Amerika si Gigi dahil sa mga natanguang shows abroad kasama ang kanyang The Gigi Vibes band.
GIGI DE LANA: “ANG SAKIT-SAKIT.”
Sa kanyang Instagram at Facebook nitong nakaraang May 27, 2024, mahihinuhang nakauwi na ng Pilipinas mula sa Canada si Gigi.
Sa pictures na kanyang ibinahagi, ipinakita niya ang tila pag-iyak sa harap ng kabaong ng ina.
Sabi ni Gigi, “Miss na miss nakita Mama Mel Orfano Hirap ako ma. Ang sakit sakit.
“We are not perfect.
“I’m not perfect I made mistakes and I’m sorry.
“But I am perfect to my mom”
Nagpasalamat din siya sa lahat ng nagpunta sa lamay, nagpaabot ng kanilang pakikiramay, ganundin sa mga hindi nakapunta nang personal sa lamay.
Aniya, “Maraming salamat sa lahat ng nag punta. And sa lahat ng nag condolence.
“It’s ok if yung iba hindi nakapunta. Ok lang yun. Alam ko mga busy din kayo. Salamat.”
Sa huli, sinabi ni Gigi na magpapahinga muna siya dahil labis na kalungkutan ang dulot nito sa kanya.
Sabi niya, “Pahinga lang din muna ako. This is very painful. Kasi kami lang dalawa ang magkasama hanggang sa paglaki ko.
“My mom raised me well. Ang sakit lang na hindi ko na maffeel yakap niya. Pati pag susuklay niya sa buhok ko. mahal na mahal ko siya.”
GIGI DE LANA’S MOTHER PASSES AWAY
Pumanaw ang ina ng singer na si na si Imelda noong Martes ng gabi, ng May 14, 2024.
Sa Facebook at Instagram madaling-araw naman ng Miyerkules, May 15, inanunsiyo ni Gigi ang malungkot na balita.
Ayon sa singer, eksaktong 9:19 ng gabi nang bawian ng buhay ang ina.
Maiksing post niya sa Facebook: “Salamat sa lahat ng dasal niyo kay mama.
“She passed away at 9:19 pm May 14, 2024. Mahal na mahal kita mama.
“Pahinga ka na.”
May Stage Four breast cancer ang kanyang ina.