Philmar Alipayo posts cozy photos with Andi Eigenmann

Hindi apektado si Philmar Alipayo sa isyung ibinabato sa kanya matapos kumalat ang viral TikTok video nila ng influencer na si Crissa Liaging.

Sa kanyang Instagram Story ngayong Miyerkules, May 29, 2024, nagbahagi siya ng couple pictures nila ng fiancée na si Andi Eigenmann.

Ang unang larawan ay selfie nila ni Andi.

Caption niya sa larawan, “National Couple Day! Post your other half [heart emoji]”

Philmar Alipayo sweet photo with Andi Eigenmann

Sa kasunod na larawan ay makikitang sweet na sweet sila ni Andi kasama ang anak nilang si Lilo.

Inilagay rin niya ang lokasyon kung saan sila ngayon: Thunderbird Resorts & Casinos-Poro Point, La Union.

Ibig sabihin, umalis muna silang pamilya sa Siargao kung saan sila naninirahan.

Philmar Alipayo with Andi Eigenmann and daughter Lilo

THE VIRAL VIDEO OF PHILMAR ALIPAYO

Nitong nakaraang May 25, 2024, usap-usapan sa social media ang TikTok post ng influencer/video creator na si Crissa Liaging kung saan kasama niya ang surfer na si Philmar na nag-uusap.

Kuha ito sa Siargao.

Makikita sa viral video na nag-uusap ang dalawa.

Topless si Philmar at parang may itinatanong sa kanya si Crissa.

Caption ng uploader sa video, “For how many weeks staying here in siargao finally i saw you!”

Umabot kaagad ng million views ang video, pero binura ito ni Crissa.

Ni-reupload lang niya ito ulit na may kaparehong caption.

Sinaliwan din niya ito ng kantang “Weak” ng American R&B vocal trio SWV.

Hindi nagustuhan ng netizens ang video dahil parang nilalandi raw niya ang boyfriend ni Andi.

ANDI EIGENMANN BREAKS SILENCE ON ISSUE

Binasag na ni Andi ang pananahimik tungkol sa viral video ng fiancé niyang si Philmar.

Sa kanyang Instagram Story noong May 27, 2024, may pahaging si Andi sa isang taong nagpapapansin lamang umano at ginawan ng malisyosong istorya ang video ng pakikipagkuwentuhan ni Philmar sa kanya.

Hindi man tinukoy sa post si Philmar, malinaw sa pahayag ni Andi na malayang-malayang lumabas ang fiancé kasama ang kanyang mga kaibigan, makipag-inuman paminsan-minsan, at makikipag-usap kanino man.

Buong post ni Andi, “He can go out with his friends, go drinking every once in a while, and chat with whoever he wants. No harm in that.

“What’s shameful is purposely posting and editing a video to ause a stir, disturbing the peace of people and dragging them into their negativity, just for some social media attention”

WOMAN IN VIRAL VIDEO DENIES FLIRTING WITH PHILMAR ALIPAYO

Dinepensahan naman ni Crissa ang sarili matapos siyang putaktihin ng bashers dahil sa inilabas niyang TikTok video kasama si Philmar.

Ayon sa bashers, base sa video na kumalat ay parang nilalandi ni Crissa ang surfer at fiancé ng aktres na si Andi.

Sa Facebook, nag-upload si Crissa ng isang Reel nitong May 27, 2024. Dito ay itinanggi niya ang akusasyon laban sa kanya partikular na ang paglandi-landi diumano niya kay Philmar.