Gillian Vicencio’s name gets dragged into Kathryn Bernardo-Daniel Padilla b.reakup

Gillian Vicencio's name gets dragged into KathNiel breakup

Trending na usap-usapan ngayon sa social media ang Kapamilya actress na si Gillian Vicencio.

Ito’y matapos masangkot ang kanyang pangalan sa hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Huwebes ng gabi, November 30, 2023, magkasunod na nag-post sa Instagram sina Kathryn at Daniel para ianunsiyo sa publiko na nagwakas na ang labing-isang taon nilang relasyon.

Si Gillian ang itinuturo ng ilang netizens na diumano’y isa sa naging karelasyon ni Daniel kaya nagkahiwalay ang KathNiel.

Maliban pa rito ang Kapamilya star na si Andrea Brillantes na nauna nang naiugnay sa aktor.

Ayon sa kumakalat ngayong post, noong September 2022 pa nang magkalamat ang relasyon nina Daniel at Kathryn dahil umano kay Gillian.

Nabuking daw kasi ni Kathryn na sikretong nag-uusap sina Daniel at Gillian nang hindi niya alam matapos ang Kapamilya prime-time series nilang 2 Good 2 Be True.

Sina Kathryn, Daniel, at Gillian ay magkakasama sa 2 Good 2 Be True. Dito ay gumanap si Gillian bilang Tox, ang matalik na kaibigan ni Eloy (Daniel) at may lihim na pagtingin dito.

Nakasama naman ni Kathryn si Gillian sa latest movie nitong A Very Good Girl.

Agad na pinabulaanan ni DJ Jhaiho ang mga ibinibintang sa malapit niyang kaibigan na si Gillian.

Sa pamamagitan ng post X (dating Twitter), mabilis na binuweltahan ni DJ Jhaiho ang mga nagpapakalat ng balita tungkol kay Gillian.

Aniya, hindi na siya nagulat kung bakit ngayon ay si Gillian naman ang pinupuntirya ng netizens sa hiwalayang Daniel at Kathryn.

Mababasa sa kanyang tweet (published as is), “FAKE NEWS! Nakakatawa na ngayon naman si GILLIAN naman ang idadawit?

“Lahat nalang talaga? Actually nakarating saakin to pero Kulang mga character sa another gawa gawang kwento na to!!!!

“Tigilan niyo si GILLIAN! Nanahimik at walang kaalam alam dinadamay niyo!”

Dagdag pa ni DJ Jhaiho, “Sa totoo lang hindi na ako magtataka kung bakit lumabas tong ka FAKE NEWSan na dinadawit si GILLIAN.

“Ayyy dzaiiiiiii TIGILAN niyo. Alam ko kung SINO kang nagpapakalat ng CHIKA na to! WAG KA NA MANDAMAY pa!”

Diin pa niya, “TANTANAN si GILLIAN na walang kaalam alam dinadamay pa sa ganito!!!!

“ANG Galing ng bagong narrative ha Same na same kung paano nakarating saakin!!!!!!! As in VERBATIM!!!!! tigilan niyo si GILLIAN!!!!”

GILLIAN DENIES RUMORS LINKING HER TO DANIEL

Noong August 3, nauna nang itinanggi ni Gillian ang pagkakaugnay niya kay Daniel.

Sa interview niya sa Marites University, sinabi ng aktres na maaaring binigyang malisya lamang ang pagiging malapit niya kina Daniel at Kathryn, kahit pa mga kaibigan daw niya ang mga ito.

Paliwanag ni Gillian, “Actually, guys, wala po talaga.

“Magtotropa po talaga kaming apat [Gillian, Daniel, Kathryn, Yves Flores] kasi kami po talaga yung naging solid, kami yung nagba-bonding-bonding.

“So, hindi ko talaga alam saan nanggagaling yung mga sinasabi [yung mga tsismis].”