Pinanood ni Heaven Peralejo ang South Korean drama series na The Glory dahil tagahanga siya ng bida ritong Korean actress na si Song Hye Kyo.
Isang malaking sorpresa para sa Filipino actress na kapwa sila nominado sa kategoryang Best Actress in A Leading Role ng 2023 Asian Academy Creative Awards na magaganap sa December 6, 2023 sa Singapore.
Nominado si Heaven para sa kanyang pagganap sa Nanahimik Ang Gabi.
“Medyo naiisip ko, mape-pressure ba ako? Dapat hindi kasi si Song Hye Kyo, to be nominated alongside her, sobrang laking step na yon.
“Kasi pinapanood ko lang siya sa The Glory. Parang isa ako sa fans niya,” sabi ni Heaven nang humarap siya sa entertainment press nitong Biyernes ng tanghali, Oktubre 10, 2023.
Pagpapatuloy niya, “Kung maibigay sa akin yung award, sobrang pasalamat ko kay Lord. Pero kung hindi, to be nominated alongside Song Hye Kyo and the other actors, grateful na ako.”
Napaiyak daw si Heaven nang makarating sa kanya ang balitang siya ang national winner sa Best Actress category ng Asian Academy Creative Awards.
“Umiyak ako dahil sa happiness hanggang tawagan ko si Mom. It’s likem finally… finally.
“Hindi ko nga naging dream ito. I never dreamt of getting recognized internationally kasi parang hindi ko naman level yon.
“Pero ngayong I was recognized, wow, sobrang nili-limit ko pala yung sarili ko. Dapat pala hindi.
“I should believe in myself. Ako dapat yung unang naniniwala sa sarili ko. So, yun ang naging thinking ko noong mga panahon na ‘yon.”
Si Heaven ang nanalong Best Actress sa 39th Luna Awards noong Agosto 23, 2023 para rin sa Nanahimik ang Gabi.
Ang deklarasyong siya ang national winner ng Asian Academy Creative Awards para pa rin sa nabanggit na pelikula ang kumpirmasyon ng kanyang mahusay na pagganap.
Hindi inangkin ni Heaven na solo ang tagumpay nito dahil sa kanyang paniniwalang malaki ang kontribusyon ng mga nakatrabaho niya sa pelikula.
“Finally, I am getting recognized with my work. Siguro hindi ko rin makukuha ang awards na ito kung hindi dahil sa mga aktor na kasama ko.
“Sabi nga nila, you won’t have a great film if you don’t have great actors. So, hindi lang ako ang nandoon, kaming tatlo yon,” pagtukoy ni Heaven sa kanyang co-stars sa Nanahimik Ang Gabi na sina Ian Veneracion at Mon Confiado.
Patuloy niya, “Dahil sa kanila, lumabas yung kung ano ang kaya kong ibigay so grateful talaga ako.
“Gusto ko lang makasama yung buong production, gusto ko lang magpasalamat.”
Saka na raw iisipin ni Heaven kung ano ang isusuot niyang damit sa awards night.
Saad niya, “Yung isusuot na damit, hindi ko na iniisip kasi parang alter na lang ‘yon.
“More on I’m recognized with this award so kailangan galingan ko pa lalo. Hindi ako puwedeng maging petiks lang.
“Alam ko na marami pa akong kailangan ayusin. Marami pa akong kailangan baguhin.”
Kailan napagtant ni Heaven na mahal niya ang acting profession?
Sagot niya sa Cabinet Files, “When I started doing workshops, parang wala na akong maisip na ibang job.
“Kahit tinatanong ako sa interviews, gusto kong sabihin na wala na akong ibang gusto kundi maging aktor.
“At 16, I’ve always wanted to be an actress, kasi I wanna move people through emotions. I want them to feel less lonely in this world and if yung karakter ko makakatulong sa kanila to get through with everything.
“I became an actress because of mama, kasi nga I wanted to help her and to be able to help her, kailangan kong galingan sa trabaho.”