Hilda Koronel remembers ex-husband Jay Ilagan; on good terms with Amy Austria

Ni-repost kamakailan ng batikang aktres na si Hilda Koronel, 67, sa kanyang Instagram account ang throwback photo nila ng dating asawa at namayapang aktor na si Jay Ilagan.

Kasama nila sa throwback photo na ito ang isa sa kanilang mga anak na si Ivy.

Sa comments section, may ilang katanungan mula sa netizens ang sinagot ni Hilda.

Dalawang magkasunod na tanong ang komento ng isang netizen.

Hilda Koronel with throwback photo with Jay Ilagan and inset photo of Amy Austria

Usisa ng netizen, “Hilda, may anak ba kayo ni Jay Ilagan? How did he die?”

Hindi sinagot ni Hilda ang tanong kung ilan ang naging anak nila ni Jay, pero ibinunyag ng veteran actress ang trahedyang kumitil sa buhay ng aktor.

Sagot ni Hilda (published as is): he got into an accident..a car hit him while he was on his motorcycle..its was terrible.”

Namatay si Jay sa naturang aksidente noong February 4, 1992. Siya ay 37 anyos.

Hilda Koronel answers netizen about Jay Ilagan's death

May netizen na nagkomento na ngayon lang niya nalamang mag-asawa pala sina Hilda at Jay dati. Ang pag-aakala raw ng netizen ay si Amy Austria ang dating asawa ni Jay.

Sa palitan ng mensahe ng netizens, nilinaw na unang naging asawa ni Jay si Hilda at nagkaroon sila ng anak na babae.

Nagkomento ang ilan pang netizens tungkol sa pag-adopt nina Jay at Hilda noon.

Nang magkahiwalay sila ay naging live-in partners sina Jay at Amy, pero hindi nagkaanak.

Netizens about Hilda Koronel, Jay Ilagan and Amy Austria

HILDA AND AMY ON GOOD TERMS

Bagamat pareho naging parte ng kanilang nakaraan si Jay, sina Hilda at Amy ay magkaibigan.

Sa IG post ni Hilda ng luma niyang larawan kasama si Jay at anak nilang si Ivy, nagkomento rito si Amy.

Mensahe ni Amy, “cute ni Ising.”

Hindi malinaw kung ang tinutukoy ni Amy ay si Hilda (na ang tunay na pangalan ay Susan) o ang anak nitong si Ivy.

Amy Austria comment

Walang reply rito si Hilda.

Pero sa IG post ni Amy noong March 15, 2024, nagkomento si Hilda sa post ni Amy.

Nag-post si Amy ng larawan niya katabi ang standee ni Piolo Pascual. Caption ng aktres, “O di ba Kahit man lang sa picture niya makasama ko siya hahaha.”

Nag-reply rito si Piolo: “Awww Labyu Nay Ahmishoo so much Ahlabyu!!!!!!”

Nagkomento rin dito si Hilda: “Beautiful..”

Reply naman ni Amy kay Hilda: “thanks my dear. [red heart emoji]”

Hilda Koronel, Amy Austria and Piolo Pascual comments

HILDA KORONEL’S CHILDREN

Samantala, may latest post din si Hilda ng current picture ng kanyang mga anak na babae.

Sabi niya sa caption (published as is): “My daughters-patty, ivy, gaby, and Leo..”

Sa comments at ilang info online, ang naging anak noon nina Hilda at Jay ay si Leona.

Bukod pa rito ay mayroon pang isang anak na lalaki si Hilda, si Diego Sebastian.

Sa comments section, nagkomento ang mga netizen, at ibinahagi ang kanilang nalalaman ukol sa mga anak ni Hilda. May ilan pang nagtalo pagdating sa impormasyon.

Ang ilan namang netizens ay pinangalanan ang iba pang lalaking nakarelasyon ni Hilda, tulad nina Bambi del Castillo, Spanky Monserrat, at Victor Lopez.

Noong 2000, muling umibig si Hilda sa Filipino-American businessman na si Ralph Moore, na pumanaw noong June 2023.

Taong 2006 ay nagpunta ang dalawa sa U.S. at dito na sila permanenting nanirahan.

Ang huling pelikula ni Hilda ay ang The Mistress (2012), na pinagbidahan nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz.

Sinabi ni Hilda sa isang previous interview na semi-retired na siya sa pag-arte, pero bukas sa posibilidad na gumawa ng proyekto depende sa proyekto.

Sinabi rin niyang simple ang kanyang pamumuhay sa U.S.

Ang kanyang mga anak ay nasa iba’t ibang bansa tulad ng New Zealand, Singapore, US, at Pilipinas.

May mga apo na rin si Hilda.

Sa interview ng The Filipino Channel noong February 9, 2024, sinabi ni Hilda na marami siyang offers na natatanggap at may inoohan na siyang isang proyekto, pero under negotiations pa.

Ibig sabihin, posibleng magbalik-showbiz na siya soon.

Sabi ni Hilda, “Madami akong offers and I have about seven offers and a TV show, series… I don’t know, I’m sifting through it.

“I’m reading all the scripts now, but I chose one already and we’re in negotiations. So, we’ll see how it goes.”