How David Licauco’s life has changed in the last five years

Isa sa anim na bidang male actors si David Licauco sa pelikulang G! LU na ipalalabas na sa April 24, 2024 sa mga sinehan.

Pero ang pelikulang ito ay ginawa at natapos pa noong taong 2019, bago nagkaroon ng pandemya.

Five years later, marami nang nagbago kay David, gayundin sa iba pang mga bida ng pelikula na sina Ruru Madrid, Kiko Estrada, Derrick Monasterio, Teejay Marquez, at Enzo Pineda.

Sabi ni David, “Of course, alam ko naman na mas marami na akong nagawa. I’m better actor than I was or during the film.

“And siguro, when it comes to personal growth, I think, marami na akong napagdaanan, mas marami na akong experience.”

David Licauco photo taken in 2019 and his photo taken during Bench Fashion Week in in March 2024

DAVID LICAUCO ON BEING FAMOUS

Isa nang fast-rising leading man si David sa Kapuso network. Siya rin ang kahati ng sikat na BarDa, ang moniker ng love team niya with Barbie Forteza.

Sa pagpapatuloy ni David, “But I think with the fame, parang it doesn’t get into my head naman na I’m famous.

“I just have more responsibility now, and alam naman natin na kapag tumatanda, kapag nagma-mature, hindi naman siya, well, dati, siguro iniisip ko lang, kung saan ako pupunta, ano ba ang show na gagawin kong next, ano ba ang movie kong gagawin, saan ka kakain? Barkada.

“Pero ngayon, siyempre iba na. Mas marami ka nang iniisip.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si David sa ginanap na mediacon ng G! LU sa KAO Manila Newport Resorts World noong April 17.

Taong 2019 nang gawin nila ang G! LU, pero hanggang ngayon, maituturing pa rin na isa sa paboritong puntahan ng mga kabataan ang La Union.

DAVID LICAUCO PRIORITIES

Sa tunay na buhay, nagagawi rin ba siya sa L.U.?

“Ah, oo, nagpunta ko diyan 2018, kasama ko ang barkada ko. Tapos, 2019, yun lang,” nangiti niyang sabi.

David Licauco while shooting G! LU in 2019

Pero ngayon daw, mas preferred niya ang Boracay. Sa edad niyang 29, tila nag-mellow na siya sa night life.

“Dati kasi, mas gusto ko ang magulo, maingay. Bata, e. Mas naa-appreciate ko ang mga ganoon before. Pero ngayon kasi, sa Boracay, may mga places na tahimik. Kasama mo lang ang mga kaibigan mo. Mas iyon ang na-a-appreciate ko.

“Sa L.U. kasi, wala masyadong tahimik diyan. Party-party, magulo talaga,” natatawang sabi niya.

Wala na raw siya sa punto ng buhay niya na tulad nga noong ginagawa pa nila ang pelikula, na pagkatapos ng shooting, iniisip na nila kung saan gigimik.

Mas alam na niya ang kanyang priorities.

“Hindi na, pagkatapos kong mag-taping, iisipin ko naman ang negosyo ko. Tapos the next day, magwo-workout pa ko. Tapos, magnenegosyo ulit. Magte-taping ulit.

“So, wala na akong time na gumimik.

“Pag minsan, kapag nami-miss ko, wala namang masama. Basta hindi ka lang magmamaneho at hindi ka lang sobrang lasing.”