Is Angelica Panganiban pregnant with second baby?

Buntis nga ba si Angelica Panganiban sa pangalawang anak nila ng asawang si Gregg Homan?

Sa isang video na in-upload sa fanpage ng Judy Ann Santos – The Prime Superstar nitong nakaraang April 20, 2024, makikitang nagkakasiyahan sina Angelica, Gregg, Judy Ann Santos, asawang si Ryan Agoncillo, at ang beauty doctors Aivee Teo at Z Teo habang nagpapakuha ng litrato.

Kuha ang video sa reception ng second wedding nina Angelica at Gregg sa Siargao.

Marinig sa usapan nila ang ganito:

Angelica: “May forever na din ako…”

Judy Ann to Dr. Aivee: “May apo na siya…”

Judy Ann to Angelica: “May plus one na…”

Caption ng uploader sa video, “Ay nadulas si Angge…”

Hindi man ganun kalinaw ang kanilang usapan, pero ang ipinagpapalagay ng ilang netizens na buntis si Angelica sa second baby nila ni Greg.

Ang panganay nila ay si Amila Sabine.

Narito ang mga mensahe ng netizens:

Nimo sings his favorite song | PEP Goes To

Wala pang kumpirmasyon si Angelica ukol dito.

Ikinasal muli sina Angelica at Gregg sa Siargao noong April 20, 2024.

Una silang nagpakasal sa Los Angeles, California, USA, noong December 31, 2023.

Inanunsiyo nila ang kanilang engagement noong October 2022.