‘It’s Showtime’ hosts bond in Hong Kong amid show’s sus.pen.sion

Labis na ikinatuwa ng fans ng Kapamilya noontime show na It’s Showtime ang pangingibang bansa ng ilang hosts ng programa para mag-bonding at magbakasyon.

Ito ay sa gitna ng labindalawang araw na suspensiyong ipinataw ng MTRCB (Movie Television and Classificatin Board) laban sa kanilang programa.

Sa Instagram post ng host na si Teddy Corpuz nitong Huwebes, October 19, 2023, makikita ang masayang litrato nila ng kanyang mga co-host habang nasa Hong Kong.

Present dito sina Vice Ganda, Ogie Alcasid, Anne Curtis, Vhong Navarro, Ion Perez, Jackie Gonzaga, Karylle at asawa nitong si Yael Yuzon, Ryan Bang at ang non-showbiz girlfriend nitong si Paola Huyong, at ang asawa ni Teddy na si Jasmin Corpuz.

Mababasang caption ni Teddy, “We fam [red heart emoji] #TheSuspenders.”

Không có mô tả.

Mở ảnh

Bukod kay Teddy, nag-upload din ng picture sina Vhong at Ion sa Instagram.

Laman naman ng Instagram Stories nina Vice at Ryan ang mga picture at video ng kanilang masayang Hong Kong trip.

It’s Showtime’ hosts bond in Hong Kong amid show's suspension

‘It’s Showtime’ hosts bond in Hong Kong amid show's suspension

‘It’s Showtime’ hosts bond in Hong Kong amid show's suspension

‘It’s Showtime’ hosts bond in Hong Kong amid show's suspension

NETIZENS REACT

Sa comments section ng post ni Teddy ay bumuhos ang komento ng netizens na natutuwa sa pagba-bonding ng It’s Showtime hosts para sa isang bakasyon.

Ito’y kahit kulang sila dahil wala sina Kim Chiu, Jhong Hilario, Amy Perez, Jugs Julueta, Cianne Dominguez, MC, at Lassy.

Komento ng isang netizen (published as is), “Parang kailangan niyo siguro talaga ma-suspend para makapagspend ng time to each other po and maybe pagkatapos po ng suspension niyo, mas the more na titibay po ang samahan niyo at sa pag-bakasyon niyo po makakapag-isip pa kayo ng mga magagandang gawin sa showtime.

“Although maganda naman na. masaya ba. pero mas lalong gaganda pa. I miss showtime so bad, nabibigyan niyo po ng ngiti ang mga tao. GOD BLESS YOU MORE SHOWTIME FAMILY. ingat po kayo.”

Saad pa ng isa, “So happy for you guys. Suspended man pero yan yung reason para mag bakasyon muna kayo para makapagpahinga.”

Sabi pa ng isa, “Just enjoy and madlang people will just be here waiting for you It’s Showtime family! It is your time to be happy and to relax! God bless!.”

Ang It’s Your Lucky Day ang pansamantalang humahalili sa It’s Showtime matapos na hindi na salungatin ng ABS-CBN ang suspension order ng MTRCB laban sa Kapamilya noontime show.

Sa October 28 nakatakdang bumalik sa ere ang It’s Showtime.