Abala sina Alden Richards at Julia Montes sa pag-iikot sa block screenings ng pelikula nilang Five Breakups And A Romance (5BAAR) na nag-showing sa 231 cinemas nung Miyerkules, October 18, 2023.
Nag-trending nung araw na yun ang hashtag na #FiveBreakupsAndARomance, hanggang ngayon.
Suportado ng Sparkle GMA Artist Center ang isang block screening na dinaluhan nina Barbie Forteza, Royce Cabrera, Althea Ablan, Gil Cuerva, Lexi Gonzales, at Bryce Eusebio.
Kahit si Coco Martin ay nag-sponsor din ng isang block screening. Tila kinilig pa si Julia nang magpasalamat ang host kay Tanggol ng FPJ’s Batang Quiapo na siyang nag-sponsor daw ng block screening na yun.
Ayon sa aming reliable source, mahigit PHP3M ang kinita ng first day of showing ng Five Breakups And A Romance.
Inasahan daw nilang tumaas sa gabi dahil parang night crowd ang pelikula, pero hindi na raw ito gaanong nadagdagan.
Maaaring kinulang pa sa budget ang karamihan dahil malayu-layo ang suweldo. Inaasahang pi-pick up pa ito sa weekend o maaaring aabot pa ito sa araw ng suweldo.
Pero balik-sinehan na ang concert movie na Taylor Swift: The Eras Tour, kaya tingnan natin kung maapektuhan ang Alden-Julia movie.
Samantala, hindi na maiwasang ikumpara ang boxoffice results ng 5BAAR sa A Very Good Girl (AVGG) ni Kathryn Bernardo na meron pa ring mga sinehan hanggang ngayon.
May ilang fans ni Kathryn na pinu-post sa X na ang pelikula pa rin daw nito ang pinakamataas na gross magmula nang magka-pandemic.
Agree naman tayong lahat doon. Walang kokontra dun, dahil base pa lang sa first-day gross, mas lamang ang pelikula ni Kathryn.
Pero ang tanong ng ilan, alin ang mas magandang pelikula: AVGG ni Direk Petersen Vargas o 5BAAR ni Direk Irene Villamor?
Sino ang mas magaling sa kani-kanyang pelikul: Si Kathryn o si Julia?
Para sa akin, mas lamang ang 5BAAR pagdating sa kuwento, directing, at acting ng mga bida.
Pati sa acting, mas nagagalingan ako rito kay Julia kesa sa performance ni Kathryn sa AVGG.
As always, nanonood ako ng first day ng mga pelikulang Pilipinong palabas.
At nagbabayad ako, bilang suporta sa mga lumikha nito, at malaya kong naire-report ang aking nakikita at nararamdaman dahil hindi hindi tayo PR at wala tayong kinalaman sa mga pelikulang ito.
Mas accessible at relatable ang kuwento ng Five BreakUps and A Romance compared sa edgy na A Very Good Girl. Kakaiba ang kuwentong tinahak ng dalawa.
Kung repeat audience ang titingnan ko, baka mas makaungos ang 5BAAR.
Sana, mapantayan nila ang sigasig ng Star Cinema sa block at international screenings din!
Pero aminin natin, mas masigasig ang fan base ni Kathryn Bernardo kaysa kay Julia Montes.
Ang tanong ay matatapatan kaya ng purchasing power ng mga fans ni Kath ang fans ni Alden? Gusto nating makita ang resulta niyan.
On the point of galing sa acting, I have to laud these two actresses for taking on really daring roles na ipinapakita ang range ng kanilang husay.
Aminin natin, ang acting nila sa kani-kanyang pelikula ang nag-set ng bar ng kagalingan.
Pero iba ang galing na consistently ipinapakita ni Direk Irene Emma Villaflor sa paggawa ng kaniyang pelikula. Expert na talaga siya sa paghahabi ng kuwento at mga elemento ng pelikula tulad ng dialogue, production design, cinematography, music atbp.
Si Petersen Vargas naman ay naghahanap pa rin ng kanyang tatak at boses sa kanyang mga pelikula, pero he is certainly one of the best directors of his batch.
Basta, gusto kong mas kumita pa ang mga pelikula nila sa takilya, dahil ang success nila ay tagumpay ng ating industriya.
Topgrosser ng MMFF 2022 ang Deleter ni Nadine Lustre, at tinanghal siyang best actress ng filmfest.
Nag-best actress si Nadine sa FAMAS para sa isa pa niyang 2022 film, iyong Greed.
Sayang, hindi nakapasok sa MMFF 2023 iyong Nokturno ni Nadine. Kung ipalabas ito bago matapos ang taon, posibleng magkabugan sa awards night next year sina Kathryn, Julia, at Nadine.
Ayon sa source ng PEP Troika ay PHP7.5M ang first day gross ng A Very Good Girl. Ang pralala ng Star Cinema ay more than PHP10M ang hinamig niyon nang mag-showing noong Setyembre 27 sa more than 250 sinehan ng bansa.
Abangan natin kung maglalabas ng sariling figures sa takilya ang producer/s ng Five Breakups And A Romance.
Fabulous ang word of mouth sa concert movie ni Taylor Swift, at marami ang nananabik na makapanood din nito.
Showing na rin sa local cinemas ang epic western crime drama film na Killers of the Flower Moon (KOTFM).
Idinirek ito at prinodyus ni Martin Scorsese, at pinagbidahan nina Leonardo DiCaprio, Robert De Niro at Lily Gladstone.
Bahagi rin ng ensemble cast nito sina Brendan Fraser, John Lithgow, Jesse Plemons, Tantoo Cardinal, at Jason Isbell.
Ito ang ikaanim na feature film kung saan nag-collab sina Scorsese at DiCaprio, at ikasampu sa pagitan nina at Scorsese at De Niro.
Nag-premiere ang KOTFM sa 76th Cannes filmfest noong Mayo 20, 23, at umani ito ng papuri mula sa mga kritiko.
Kasabay ng 5BAAR at KOTFM na nag-open kahapon sa local cinemas ang Deep Fear, Love Reset, Target, at Demon Slayer Orchestra Concert: Mugen Train.
Bukas pa ang opening sa select SM cinemas ng Crayon Shin-Chan.