Janine Gutierrez, panalo ng acting award pero lost na ang love life?

lotlot de leon daughter janine gutierrez

Si Lotlot de Leon ang tumanggap ng Best Actress trophy na napanalunan ng anak niyang si Janine Gutierrez sa 6th EDDYS awards ng grupong SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors) na ginanap sa Aliw Theater nung Linggo, November 26, 2023.

Napanaluhan ni Janine ang naturang award para sa pelikulang Bakit ‘Di Mo Sabihin.

Naka-tie niya si Max Eigenmann ng pelikulang 12 Weeks.

max eigenmann lotlot de leon eddys

Max Eigenmann (left) and Lotlot de Leon (right)

Emotional si Lotlot sa kanyang acceptance speech. Matagal na raw niyang pinangarap na magka-Best Actress. Kaya proud daw siya para sa kanyang anak.

“Iba pag anak, e. I’m so proud of her,” pakli ni Lotlot nang sandali naming nakatsikahan pagkatapos ng awarding ng EDDYS.

Humirit na kami ng tanong kay Lotlot na safe naman niyang sinagot kung ano ang ibinibigay niyang suporta sa kanyang anak ngayong single na raw ito.

“You know what, ang importante masaya ang puso whether she’s single or not single,” safe na sagot ni Lotlot, na nanalo ring Best Supporting Actress sa EDDYS nung nakaraang taon para sa On The Job: The Missing 8.

“So ang importante, just focus, she knows what she wants in life. And I’m super happy now na meron siyang award for best actress.”

Bilib daw si Lotlot sa kanyang anak dahil magaling daw itong mag-handle ng mga intriga at kung ano man ang pagdadaanan niya sa buhay, pati na rin ang love life.

“Mas magaling mandeadma yung anak ko kesa sa akin. Yung anak ko, parang na-practice na niya na hindi lahat, pinapatulan.

“So, sa totoo lang, wala siyang ano sa mga tsismis,” saad ng premyadong aktres.

Congratulations, Janine Gutierrez for your Best Actress award (as you tied with Max Eigenmann for 12 Weeks na hindi kami magtataka kung maging Best Actress din ng Gawad Urian).

Since ang pelikula ni Janine ay “Bakit Di Mo Sabihin,” malamang na hindi talaga niya sasabihin ang malakas na bulung-bulungan sa showbiz ngayon na break na talaga sila ni Paulo Avelino.

At gaano katotoo ang usap-usapang sina Kim Chiu at Paulo na raw ngayon? Hindi raw talaga ito promo lang sa bago nilang teleseryeng What’s Wrong With Secretary Kim.

So, wala na sina Kim at Xian Lim talaga? Ohhhh…

Nagtabla bilang best actress sa 6th EDDYS sina Max at Janine para sa kani-kanyang Cinemalaya 2022 film. Si Max para sa 12 Weeks, at si Janine para sa Bakit Di Mo Sabihin.

Ang best actor ay si Elijah Canlas para sa Cinemalaya 2022 film na Blue Room.

Ang best supporting actress ay si Nikki Valdez para sa MMFF 2022 film na Family Matters, samantalang ang best supporting actor ay si Mon Confiado para sa MMFF 2022 film na Nanahimik Ang Gabi.

Tabla bilang best picture ang Blue Room at Family Matters.

At any rate, hawak-kamay na umakyat sa entablado sina Max at Lotlot. Naunang mag-acceptance speech si Max.

Afterwards, sabi ng ina ni Janine, “Ako po si Lotlot. Alam niyo po, pangarap ko talaga, makatanggap ng best actress award.

“Yun pala, tatanggapin ko, yung sa anak ko!” maluha-luhang bulalas ni Lotlot. “Janine! I’m so proud of you!”