Joel Lamangan, hindi apektado sa pagpasok nina Tessie Tomas at Diwata sa Batang Quiapo

Si Jane de Leon dapat ang bidang babae sa pelikulang Huwag Mo ‘Kong Iwan, na nagtatampok din kina JC de Vera at Tom Rodriguez.

Nakipagmiting na si Jane sa direktor ng pelikula na si Joel Lamangan. Pero nang mag-storycon ang project, napalitan si Jane ni Rhian Ramos.

Ano ang nangyari?

“Naku, ‘Day! Thrineaten ng Regal!” bulalas ni Direk Joel nang makatsikahan namin nitong Abril 24, 2024, Miyerkules, sa French Baker store sa Cash n’ Carry, Brgy. Palanan, Makati City.

“Kung gagawin daw yung pelikula ko ng BenTria, tatanggalin sa kanya yung tatlong nakaano na project ng Regal.”

joel lamangan diwata tessie tomas batang quaipo

Ang BenTria Productions ang producer ng Huwag Mo ‘Kong Iwan. Second movie nila ito pagkatapos ng launching movie ni Jeric Gonzales na Broken Blooms (2022).

“Kinausap ni Roselle at ni Dondon Monteverde. Siyempre natakot yung bata, nag-back out na lang,” pagtatapat ni Direk Joel.

Nakapag-first shooting day na si Rhian for the movie, kung saan nakaeksena nito si Pinky Amador. OK ba naman si Rhian?

Mabilis na tugon ni Direk Joel, “Napaka-OK at napakahusay na bata. Napakaganda pa!”

OK lang ba kay Rhian na second choice siya?

“Ay! Hindi namin pinag-uusapan yon!”

Tinanggap niya agad iyong pelikula?

“Oo dahil maganda naman ang project. At ako naman ang magdidirek,” sey pa ni Direk Joel.

“Noon ko pa siya gustong i-handle sa pelikula. E, walang pagkakataon. Ngayon, nagkaroon ng pagkakataon.”

Bongga ba ang BenTria Productions?

“Bonggang-bongga! Diyos ko, ‘Day! Pagkain namin, hindi ko maintindihan kung saan mo isasaksak!” sambit ng multi-awarded director.

“Andaming pagkain… sa lunch, sa meryenda.”

Joel Lamangan - IMDb

Naka-set sa Abril 30, Martes, ang second day ng shooting ng nasabing movie.

“Hindi puwedeng dire-diretso ang shooting. Ang mga artista, hindi puwedeng dire-diretso. Meron silang ibang commitment,” sey ni Direk Joel.

“At ako naman, meron akong Batang Quiapo.”

Pumasok si Tessie Tomas sa FPJ’s Batang Quiapo bilang Señora Bettina Caballero. Naa-upstage ba ni Tessie ang karakter ni Direk Joel bilang Roda?

Umirap si Direk Joel, “Ba’t naman ako maa-upstage, hindi naman bakla si Tessie Tomas?”

Andami-daming baklang karakter sa Batang Quiapo, kaya tinatawag ito ng iba na “Baklang Quiapo.”

“Yes! Na-add na si Diwata!” bulalas ni Direk Joel.

“Pumila ka na ba sa pares niya? Day, P100 lang!”

May mga nagsasabing hindi masarap ang pares ni Diwata, pero OA pa rin ang pila.

“E, kasi, yung mga tao, walang pera. Kakain dun, mabubusog na sila. PHP100, meron nang softdrinks.”

Nai-insecure ba si Roda kay Diwata?

“Hindi, ‘Day!”

May eksena ba sila together?

“Wala! Hindi ako nakikipag-usap sa tindera ng pares. Si Roda, hindi makikipag-usap sa ganun!” sey ni Direk Joel.

Hindi pa rin daw sila nagkakatagpo ni Diwata sa set ng FPJ’s Batang Quiapo.

Nakatakdang mag-streaming ang pelikulang Sisid Marino sa Hunyo 14 sa Vivamax. Bida roon sina Julia Victoria at Jhon Marc Marcia, sa direksiyon ni Joel Lamangan.

“Maganda yung pelikula, panoorin mo!” pagyaya ni Direk Joel.

“Maganda. Sisid Marino!”

jhon marc marcia julia victoria isid marino

Jhon Marc Marcia and Julia Victoria

How does it feel na balik-Vivamax siya?

“Well, it feels good because of the datung. That’s the only reason naman I go back, because of the datung! Diyos ko!” bulalas ni Direk Joel.

Love siya ni Boss Vic del Rosario ng Viva, ‘no?! Kasama na rin iyong love niya kay Boss Vic.

“Tigilan mo ako. Kailangan lang niya ako kaya ako ganun. Kailangan ko din siya. Kailangan ko din ng datung. Maggamitan na lang kami,” sey ni Direk Joel.

“Ganun talaga ang buhay. Tigilan na ang kung anu-anong eklay.”

Kakaiba ba itong Sisid Marino kumpara sa ibang handog ng Vivamax? May mga Vivamax project na more or less ay 45 minutes ang running time, at syinuting for three days sa production budget na PHP3M?

“Raket yun, ‘Day. Sa susunod, ganun na lang sila — ang pelikulang Pilipino ay magiging 45 minutes na lang, ‘Day!” natatawang pahayag ni Direk Joel.

“Malaki ang natitipid nila! At ayoko nun! Hindi ako gagawa ng ganun!”

Karaniwang 1 hour 30 minutes, or 1 hour 40 minutes ang running time ng mga pelikula ni Direk Joel. Bakit ayaw niyang gumawa ng mala-short film na more or less ay 45 minutes?

Pananalig ni Direk Joel, “Hindi yon short film. Wala yung content, ‘Day. Paano ka makakagawa ng isang magandang narrative na 30 minutes lang, pelikula na siya? Paano?

“Ilan ang artista mo? Isa, dalawa? Mahirap yan, ‘Neng.”

FRONTAL NUDITY IN SISID MARINO

Ni-require ba siya na dapat maraming pa-boobey sa Sisid Marino?

“Requirement yun sa Vivamax, ‘no, maraming chukchakan talaga. Oo, ‘Day, marami!” pagdidiin ni Direk Joel.

“Meron pang frontal nudity, marami. May nakitang mahabang nota, may p*k*, lahat yon, may ano.”

Bakit may pa-frontal nudity ang Sisid Marino?

Karaniwan sa Vivamax na nakaplaster ang mga lalaki at babae, at nasisilip iyon sa pelikula. Iyong ibang mga aktor, naka-prosthetic penis.

Pero sa Sisid Marino, totoo ang ibinuyangyang ni Jhon Marc Marcia, at nagbihadhad din ng private part si Julia Victoria?!

“Hindi, sa akin, hindi. Payag sila.”

Kapag sa kanya, payag ang Vivamax na may totoong frontal nudity?

“Yes!”

Bakit kaya?

“Aba! Hindi ko alam! Yung artista nila ang may gustong ganun. Alangan namang sabihin kong huwag! E, gusto nila!”

Kumusta sina Julia at Jhon Marc sa Sisid Marino?

“Super daks si Jhon Marc. Daks siya. OK sila pareho.”