Joey Paras’s last moments revealed; family asks help for hospital and fu.ne.ral expenses

Mapagpakumbabang humihiling at humihingi ng pinansiyal na tulong ang naulilang pamilya ng komedyante na si Joey Paras para mabayaran ang kanyang hospital at funeral bills.

Nakausap ng Cabinet Files ngayong Lunes ng umaga, Oktubre 20, 2023, ang pamangkin ni Joey na si Zciara Shyne Sinchon-Fabian, na siyang nagbigay ng impormasyon tungkol sa mga bayarin ng komedyante.

“Sa pagkakaalam ko po, PHP55,000.00 ang hospital bills, at PHP130,000.00 sa St. Peter Memorial Chapels.

“Bukod po diyan, may ibang expenses na bubunuin, pero di ko pa po alam kung magkano at para saan,” ang malungkot na pahayag ni Zciara na ikinuwento ang mga huling sandali ng buhay ni Joey.

JOEY’S LAST MOMENTS

Related sa matagal na niyang iniindang heart ailment ang cause of death ng komedyante.

Taong 2016 nung una siyang nag-open up tungkol sa kanyang kondisyon.

Taong 2018 siya unang naoperahan, at taong 2020 naman nung sumailalim siya sa angioplasty, na isinagawa para buksan ang barado niyang coronary arteries.

Oktubre 29, 2023, binawian ng buhay si Joey sa Metro South Medical Center, Bacoor, Cavite.

Sabi ng pamangkin na si Zciara, “Namatay po siya sa Metro South Medical Center, malapit lang po iyon sa bahay niya sa Cavite.

“Hindi po siya na-confine. Base sa kuwento ng kasambahay ni Tito Joey, silang dalawa lang ang nasa bahay nang mangyari ang insidente.

“Inatake po ng two times si Tito Joey, pero nag-okay naman dahil meron siyang pacemaker device sa loob ng kanyang dibdib.

“Tapos, kumain siya nung hapon at natulog, kaso hindi na siya magising.

“Nung hindi na magising si Tito Joey, kinontak ng kasambahay niya ang mama ko at tita ko.

“Dinala po agad siya sa Metro South Medical Center dahil ito ang pinakamalapit na ospital sa bahay niya.

“May konting heartbeat pa raw po si Tito Joey na sinubukan na i-revive at nilagyan ng tubo, pero nag-flatline na siya.”

Umabot sa PHP55,000 ang bill kahit sandali lang sa hospital si Joey.

“Ilang oras lang po siya na nagtagal sa ospital, pero lumaki ang bill dahil emergency case nga po.

“Sa ngayon po, nasa St. Peter Chapels pa po si Tito Joey dahil inaayos pa siya. Need din po na ma-settle ang bills, para mai-transfer siya sa St.Peter’s Chapel sa Quezon City.

“Sabi po ng mama ko, ibuburol si Tito Joey sa Quezon City para madali siyang mapuntahan ng kanyang mga kaibigan.

“Baka po walang masyadong makapunta kung sa Molino siya ibuburol dahil malayo po.”

HOW TO HELP JOEY PARAS

Para sa mga taong may mabubuting kalooban, maaaring magpadala ng pinansiyal na tulong kay Joey sa pamamagitan ng GCash account ni Zciara na may numerong 09053414847.

Pero may mensahe siya sa mga taong mapagsamantala na imbes makiramay at magbigay ng tulong, ay may balak pa yatang manloko.

“Nung nag-post po ako kahapon sa Facebook ng GCash ko, may ilan po na manloloko na tumawag sa akin.

“Magdo-donate daw po sila pero nagtaka po ako dahil maraming itinatanong. Pati ang birthday ko, itinatanong nila kaya binura ko po sa Facebook post ko ang GCash number ko.”

Kabilang sa notable films ni Joey ang Last Supper Number 3, na inirang bilang MTRCB Awards Best Comedy Film noong 2010 at Cinemalaya Best Film noong 2009.

Ang huli niyang project ay Ayuda Babes, na ipinalabas noong 2021.