John Lloyd Cruz at Bea Alonzo, aksidenteng nagkita sa ‘Fast Talk’ studio

john lloyd cruz bea alonzo fast talk

Sa hindi inaasahang pagkakataon, nagkita sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo sa studio ng Fast Talk with Boy Abunda sa GMA Network ngayong Huwebes ng gabi, Oktubre 19, 2023.

Ang dalawang major stars ang mga bisita sa week-long birthday celebration ng host ng Kapuso showbiz talk show na na si Boy Abunda.

Natuwa, kinilig, at nagpalakpakan ang mga tao sa paligid sa pagtatagpo ng dating magka-love team na nagbida noon sa mga hit movie at drama series ng Star Cinema at ABS-CBN, respectively.

“Hello po, Sir John Lloyd,” pabirong bati ni Bea kay John Lloyd, na yumakap sa kanya nang mahigpit.

Ang mga tao naman sa studio ay sumisigaw ng “Popoy” at “Basha,” ang mga pangalan ng mga sikat na karakter na kanilang ginampanan sa 2007 blockbuster movie na One More Chance.

“Ano na?” sabi ni John Lloyd.

Pinuna rin ng aktor ang sexy dress na suot ni Bea kasunod ang tanong na, “Pang-uwi mo na ba yan?”

“Kahit naman saan ako pumunta, masaya ako. Ikaw?” isa pa sa mga linya ni John Lloyd kay Bea.

“Masaya ako!” sagot ng aktres.

John Lloyd Cruz shares behind-the-scenes pics from reunion project with Bea Alonzo | GMA News Online

“Gusto mo pasayahan tayo,” nakangiting reaksiyon ni John Lloyd, na natuwa sa muling pagkikita nila ni Bea.

Kaabang-abang ang mga panayam ni Boy kina Bea at John Lloyd na mapapanood sa paparating na linggo dahil buong katapatang sinagot ng dalawa ang mga personal na katanungan.

Sa kauna-unahang pagkakataon, nagsalita si John Lloyd tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ni Isabel Santos, sa co-parenting agreement nila ni Ellen Adarna, at ang mga pagbabago sa buhay niya dahil sa kanyang anak na si Elias.

Hindi naman iniwasan ni Bea ang lahat ng mga tanong na may kinalaman sa pagpapakasal nila ng kanyang fiancé na si Dominic Roque.