Nagpasalamat sa amin si Kaila Estrada nang sandali naming nakatsikahan sa Opulence Ball, na dinaluhan niya sa Marquis Events Place sa BGC nung Martes, October 31, 2023.
Pinuri namin siya sa magaling niyang performance sa Linlang na napapanood sa Prime Video.
Parang ang bata pa niya sa role na ipinagkatiwala sa kanya, pero malaking bagay daw ang suportahan ng co-actors niya na pawang magagaling.
“I think part na rin yun dun sa challenge na the cast, of course, sobrang powerhouse. And siyempre medyo kinabahan din ako and also siyempre mas mature yung role,” lahad ni Kaila.
Dagdag niya, “I guess, yung preparation and yung emotional investment ko dun sa character, definitely mas mabigat, mas malalim.
“I was nervous din kung tatanggapin ng mga tao kung ako yung gaganap. I’m grateful to everybody that supporting din na and I’m really grateful din for the feedback that I’ve gotten so far.”
Pawang magagaling ang mga nakakaeksena ni Kaila sa Linlang, kagaya nina Paulo Avelino, Maricel Soriano, Kim Chiu, at JM de Guzman.
Matitindi ang mga eksena niya sa mga ito nitong episode 9 at 10 na streaming na sa Prime Video.
Nakakarating kay Kaila ang mga bashing at panlalait na inabot ng co-star nila rito na sina Anji Salvacion at Kice So.
Nakiusap si Kaila sa mga netizens na sana huwag naman daw ganun ka-harsh ang mga sinasabi ng ilan laban kay Anji.
“I understand that criticism is part of it, di ba? I mean, we welcome it, kasi we learn from the criticism that we receive.
“But I think, some people may have taken it too far. And I really hope that you know, we can just be kinder and nicer, and more responsible in what we say online.
“Kasi siyempre, hindi naman natin alam yung magiging effect nun sa kanya. I hope people can be nicer,” pakiusap ni Kaila.
Iba rin kung may natural na genes ng mahuhusay na aktor — iyan ang lamang ni Kaila. Keep it up!
Importante sa daloy ng kuwento ng Linlang iyong mga eksena ni Sylvia (Kaila Estrada) sa Episodes 9 and 10.
Nakipagtagisan si Kaila sa husay nina Paulo Avelino, JM de Guzman, Kim Chiu, at Maricel Soriano.
Hindi siya nagpalamon. Iyong eksena nina Anji at Kice na nagpapakilig sa café, walang konek sa maiigting na kaganapan. Kahit tanggalin mo, walang epekto sa istorya.
Nawa’y matutong magpakumbaba si Anji sa mga kritisismong natatanggap niya. Hindi nakakatulong sa kanya ang mga golden hanash.
Makakatulong kay Anji kung sasabak siya sa mga acting workshop. Pasok, Ogie Diaz…
“Hayop ka! May araw ka rin! Mabubulok ka sa impiyerno!!!”