Kathryn Bernardo unfollows ex-boyfriend Daniel Padilla on Instagram

Tuluyan nang in-unfollow sa Instagram ni Kathryn Bernardo ang ex-boyfriend niyang si Daniel Padilla.

Ito’y matapos ang mahigit isang buwan mula nang isapubliko nila noong November 30, 2023 ang pagwawakas ng labing-isang taon nilang relasyon.

Miyerkules, January 10, 2024, nang mapansin ng netizens na hindi na lumalabas sa following list ni Kathryn si Daniel.

Kung titignan naman ang following list ni Daniel sa Instagram, naka-follow pa rin ang aktor sa dating nobya.

Sa kabilang banda, hindi man na pina-follow ni Kathryn si Daniel ay nananatili pa rin ang mga litrato at video nila ng dating nobyo sa kanyang Instagram feed.

Noong January 6, huling naispatan ng publiko si Kathryn at Daniel na magkasama nang parehas silang dumalo sa kasal ng malapit nilang kaibigan na sina Robi Domingo at Maiqui Pineda sa Bulacan.

Ngunit bago ito, ilang big events na rin ang dinaluhan nila nang magkasama—kabilang na rito ang ABS-CBN Christmas Special noong December 4, at Asian Artist Awards 2023 noon namang December 14.

Read:

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, pinatunayang kaya nila magsama on stage sa kabila ng breakup Kathryn Bernardo, Daniel Padilla on friendly terms as they accept awards at AAA 2023

Ilan sa kanilang fans na umaasang magkakaayos pa ang dalawa ang ikinatuwa ang kanilang halos magkakasunod na pagkikita.

Pero noong December 15, tinuldukan ni Kathryn ang natitirang pag-asa ng KathNiel fans nang mag-post siya sa Instagram ng malamang mensahe tungkol sa pagmu-move on.

Kalakip nito ang mga litratong nagpangiti sa kanya sa kabila ng hiwalayan nila ni Daniel.

Maiksi niyang caption, “Appreciation post for the little things that have been making me smile the past few weeks…

“No looking back, only moving forward.”

RELATED STORIES:

PEP OUTTAKES: Why we’re all affected by KathNiel breakup Daniel Padilla makes first public appearance after confirming breakup with Kathryn Bernardo KATHNIEL COMEBACK? Daniel Padilla deletes his breakup message to Kathryn Bernardo Daniel Padilla on breakup with Kathryn Bernardo: “Ang pagmamahal ko sayo ay walang hanggan.” Vice Ganda on KathNiel breakup: “Gusto ko silang makita na masaya ulit.”