MAYNILA — Para kay Kim Chiu, isang dream come true ang masampal ng beteranong aktres na si Maricel Soriano sa paparating na serye nilang “Linlang.”
“Masasabi ko sa acting career ko, nasampal na ako ng isang Maricel Soriano, so bucket list check. Nagso-sorry siya sa ‘kin, (sabi ko) hindi po, pangarap ko po ‘to bilang artista,” saad in Chiu sa isang interview.
Todo puri rin si Chiu sa batikang aktres: “Sobra siyang nice and very down to earth.”
Masaya si Chiu sa magandang reception ng trailer ng “Linlang” at hiling na masuportahan ito ng mga manonood.
“I’m very excited na mapanood siya ng mga tao and sobra akong natuwa nung nakita ko ‘yung mga comments nung lumabas ‘yung trailer namin. Kinabahan ako, nagdasal talaga ako bago mag-alas-10 ng umaga ng Sunday dahil hindi ko alam kung ano magiging reaksyon ng mga tao,” aniya.
“Nagulat din ako na naging positive ‘yung response and my growth as an actor kaya kinilig talaga ako. Hindi talaga ako nakatulog nun, ang tagal kong natulog, nagbabasa lang ako ng comments. Parang nasa cloud nine ako. Nagpapasalamat talaga ako and praying na suportahan talaga nila kasi exclusive lang ‘to sa Prime Video.”
Makakasama nina Soriano at Chiu sina Paolo Avelino, Ruby Ruiz, Jaime Fabregas, Raymond Bagatsing, Vance Larena, Heaven Peralejo, Adrian Lindayag, Race Matias, Anji Salvacion at Kice.
Mapapanood ang “Linlang” sa Prime Video simula Oktubre 5 sa Pilipinas at 240 bansa and territories worldwide.