Hindi raw all-out kontrabida ang role ni Lianne Valentin sa pelikulang Apo Hapon (A Love Story) na ipalalabas sa mga sinehan simula sa Miyerkules, March 6, 2024.
Saad ni Lianne, “Hindi, sakto lang. Babaeng in love tapos nagseselos, ganun lang naman yung character ko dito.”
Si Lianne ang third party kay JC de Vera at Japanese model-turned-actress na si Sakura Akiyoshi sa naturang pelikula ni Joel Lamangan.
Sa Apo Hapon ay hinabul-habol ng karakter ni Lianne ang karakter ni JC. Sa tunay na buhay ba ay naranasan na ni Lianne magmahal ng isang lalaki to the point na hinabul-habol niya ito?
Tugon ng Kapuso actress, “Naku, hindi, hindi. Ako kasi, naniniwala ako na pag tapos ka na, tapos ka na.
“When you’re done, you’re done, time to move on. Kesa magsayang ka ng time and effort.”

Siya rin daw ay hindi pa naranasang habul-habulin ng isang lalaki na tila stalker na.
“Ako kasi, hindi ko na pinapaabot sa ganun. Pag ako, ha?
“Siguro hindi ko papapaabutin sa ganun.
“Kasi pag ayoko na or wala nang pag-asa, sasabihin ko, para hindi na umasa yung tao.
“Kesa nagsasayangan kayo ng oras, ng time and effort.”
Nakausap ng Philippine Entertainment Portal si Lianne sa celebrity premiere ng Apo Hapon (A Love Story) noong Huwebes, Pebrero 22, 2024, sa Cinema 3 ng SM The Block sa Quezon City.
LIANNE’S LIMITATIONS
May mga pelikula nang nagawa si Lianne noong bata pa siya, pero ngayong dalaga na siya ay pangatlo ang Apo Hapon (A Love Story).
Ang naunang dalawa ay ang Cinelamaya films na Ang Guro Kong ‘Di Marunong Magbasa (2017) at ML (2018).
Mas aktibo si Lianne bilang aktres sa telebisyon, kung saan naging tanpok siya sa mga hit Kapuso teleserye na Apoy sa Langit, Royal Blood, at Lovers/Liars.
Napapanood ngayon si Lianne sa Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis Season 2 sa GMA-7, kasama sina Senator Bong Revilla at Beauty Gonzalez.
Ano ang pakiramdam kapag napapahinga siya sa paggawa ng teleserye para gumawa naman ng pelikula?
Saad ni Lianne, “Siyempre iba pa rin pag movie, of course. Iba yung experience, siyempre.
“Parang pag movie kasi, talagang alam mo yun, siyempre pag sa TV, medyo ano tayo, talagang may MTRCB, so hindi lahat talaga napapakita.
“Pag movie kasi, iba, e. Iba yung pagkakasulat. Iba yung pagkakagawa pagdating sa mga camera styles. Iba yung experience siyempre.
“Pag teleserye kasi, e, yung pangmasa.
“Pag movie, talagang you’re expressing, like, stories talaga na walang halong, kumbaga, walang limit.”
Pero si Lianne mismo ay may limitasyon sa maaari niyang gawin sa harap ng kamera.
“Siyempre parang, so far, in my career, siguro pagdating dun sa siyempre yung limits pagdating sa role ng babae.
“Of course, nagawa ko naman na yung Apoy Sa Langit and everything, pero siguro ang masasabi kong limit ko is still no, no… anything na exposed.”
Kissing scene?
”Okay lang.”
Torrid?
“Ay hindi,” at tumawa si Lianne, na gumanap bilang other woman sa Apoy Sa Langit.
Hindi pa rin daw siya handa para sa isang Girls’ Love o GL project.
LIANNE’S LOVE LIFE
Samantala, tawa lamang ang isinagot ni Lianne nang kumustahin ang love life nito. Nasa trabaho raw siya nitong nakaraang Valentine’s day.
Natatakot ba siyang magka-love life dahil sa kaliwa’t kanang breakup at hiwalayan sa showbiz?
“Parang hindi naman!” at tumawa si Llianne.
“Ipinagdarasal ko na lang na sana huwag mangyari sa akin,” at muling tumawa ang Kapuso actress.
Nasa-shock daw siya sa mga hiwalayan.
“Siyempre nagugulat din ako, parang siyempre yung ibang couples dun, lahat ng tao invested sa relationship nila, relationship goals, inspiration.”
Sa hiwalayang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla raw pinakanaapektuhan si Lianne.
Samantala, wala raw plano si Lianne na sumali sa anumang beauty pageant.
“Hindi,” mabilis niyang sagot. “Hindi ko talaga ano. Hindi talaga.
“Kasi ang tagal nang tinatanong sa akin. May nag-o-offer sa akin before pa, pero parang hindi pa ako ready, parang hindi talaga.
“Siguro baka hindi ko kayanin yung pressure. Ako kasi, medyo kabado kapag marami talagang tao.
“So, feeling ko, sa Q and A, baka mablangko ako.
“Pero so far, hindi ko pa talaga nakikita yung sarili ko na sumali.”