Marc Pingris denies cheating allegation involving Kim Rodriguez

Marc Pingris denies cheating allegations

Former basketball star Marc Pingris denies cheating allegations and appeals not to drag his wife Danica Sotto and their children to the issue: “Humihingi po kami ng respeto para hindi madamay ang mga anak namin ni Danica. Salamat po at God bless po.”

Mariing pinabulaanan ng dating basketbolista na si Marc Pingris ang cheating allegation sa kanya kung saan nadamay pa ang aktres na si Kim Rodriguez.

Si Marc ang asawa ng aktres ding si Danica Sotto.

Sa pamamagitan ng social media, ngayong hapon ng Huwebes Santo, March 28, 2024, naglabas si Marc ng kanyang pahayag ukol sa isyu.

Mahigpit niyang pinabulaanan ang mga haka-haka ng netizens tungkol sa kanila ni Kim.

Nagkasama man daw sila sa ilang pagtitipon pero hanggang doon lang iyon.

Sabi ni Marc, “Walang katotohanan ang mga lumalabas na balita tungkol sa amin ni Ms. Kim Rodriguez.

“Walang namamagitan sa aming dalawa gaya ng sinasabi ng ibang tao. Nakasama ko po si Ms. Kim sa isang basketball event at sa isa pang event noong naging muse siya ng team namin.”

Kahit na naparatangan ng netizens, nagpasalamat pa rin si Marc sa tila concern ng iba tungkol sa kanyang pamilya.

Wala rin daw namamagitang problema ang kanilang pamilya.

Umaapela rin siya ng respeto para hindi na makaladkad pa ang mga anak nila ni Danica sa isyu.

Dagdag pa niya, “Salamat din sa nag pa abot ng concern. Ok kami ng pamilya ko. Wag na po tayo magpakalat ng mga balita na hindi totoo.

“Humihingi po kami ng respeto para hindi madamay ang mga anak namin ni Danica. Salamat po at God bless po.”