Nagti-taping na si Marian Rivera ng Kapuso family drama series na Against All Odds with Gabby Concepcion and Max Collins.
Uumpisahan na rin ang shooting ng 2023 Metro Manila Film Festival movie nila ni Dingdong Dantes na Rewind, sa ilalim ng Star Cinema.
Excited siyempre si Marian dahil film fest entry iyon sa December.
“Na-excite kami saka nagulat din kami na nakapasok kami dun sa Metro Manila Film Festival,” sabi ni Marian.
Humarap si Marian press sa launch ng Solmux Advance Jam, noong Setyembre 16, 2023, Sabado, sa SM North EDSA The Block, Quezon City.
“So sana, ibalik natin ang pagtangkilik sa pelikulang Pilipino.”
Kabilang din sa napili nang film fest entries ang A Mother and Son’s Story nina Sharon Cuneta at Alden Richards, Penduko nina Matteo Guidicelli at Cristine Reyes, at K(ampon) nina Derek Ramsay at Beauty Gonzales.
May kani-kanyang aspiring entry rin sina Vilma Santos, Nora Aunor at Maricel Soriano.
“Nakakatuwa kasi talagang alam mo yun, lumalaki na naman, bumabalik na naman yung mga pelikulang Pilipino,” saad ni Marian.
“So nakakatuwa talaga na eto na uli!”
Nai-adjust na ba niya ang kanyang oras ngayong magsisimula siya ng bagong movie?
“Next week ko pa malalaman. Hindi ko alam kung paano ang gagawin ko,” sambit ng Kapuso Primetime Queen.
Sabi-sabi, pag nag-aasawa at nagkakaanak ang isang artistang babae ay lumalamlam ang career.
Pero kahit four years na hindi umakting si Marian sa pelikula at telebisyon ay napanatili niya ang kanyang kasikatan. In demand pa rin siya bilang endorser.
Napangiting reaksiyon ni Marian, “Siguro, lahat ng ito, utang ko sa Itaas. Kahit naman ano ang gawin kong galing, kung hindi naman dahil sa Kanya, wala rin lahat.
“So everything talaga, sa Kanya talaga lahat.”
Sa dami ng gagawin niya, malabo pang magkaroon sila ni Dingdong ng another baby? Not in the near future?
“Andami ko pang gagawin, may soap ako, may movie ako, may TikTok ako. Andami ko pang gagawin. Sasayaw po muna ako!” bulalas ni Marian.
May pag-uusap ba sila ni Dingdong na huwag munang sundan si Ziggy?
Paglilinaw ni Marian, “Wala naman. Pero siguro nakikita din naman ni Dong, at my God! Yung asawa ko, Sunday lang talaga yung pahinga.”
Tumanggap si Marian ng first-ever Style Icon Award sa Preview Ball 2023 noong Setyembre 8, Biyernes sa Marriott Hotel, Pasay City.
“Nakakataba rin ng puso iyan kasi ako kasi, kung kilala nyo ako, isusuot ko kung saan ako komportable,” sabi ni Marian.
“Hindi ako ja-jump sa kung ano lang ang uso. Pag hindi ako komportable, kahit uso yan, hindi ko isusuot yan.
“Pero dun ako sa komportable ako na kaya kong dalhin.”
Anu-ano ang self-care tips niya na maise-share sa mga kapwa mommy?
“Number 1, kailangan talaga, may time ka para sa sarili mo. Kasi, yung me time na yun, dun mo mari-realize kung paano mo gagawin at ia-adjust ang mga bagay-bagay,” lahad ni Marian.
Patuloy ni Marian: “Pangalawa, kahit na may anak kayo, huwag ninyong puputulin ang fire ng pagmamahalan niyo ng asawa mo.
“Kasi, nakakatulong din yan especially si Dong, very supportive talaga yan sa akin, sa lahat ng ginagawa ko. So lahat ng action ko, nandiyan talaga siya to support me.
“At malaking factor yun para maging blooming ka at nandiyan ang asawa mo para sabihin na, ‘I’m here to support you, and beautiful as always!’
“So, alam mo yun, nabu-boost niya yung confidence mo. And of course, the kids. Pag may anak ka talaga, iba na lahat. So, silang lahat ng yan, talagang magkaka-combine na yan.
“And of course, faith mo sa Kanya. Kailangang hindi mawawala talaga.”
Anu-ano ang pinagkakaabalahan niya para sa me time?
“Andami kong ginagawa. Nandun ako sa office ko, nag-a-arrange ako ng flowers. Minsan, nagmumuni-muni ako, nagge-games ako.
“Nagge-games po ako ngayon. Mahilig po akong mag-games ngayon… kung anu-anong games!
“Baka patungo na nga ako sa pagiging gamer. Ha! Ha! Ha! Yung mahalagang-mahalaga, na ine-enjoy mo ang buhay mo sa kahit simpleng pamamaraan.
“Kasi, yun ang me time mo para sa sarili mo.”
More blessings and more things to be thankful for. All the best, Marian!
Ewan ko kung puwede nang sabihin kung ano ang role ni Marian dito sa ginagawa niyang series with Gabby Concepcion.
Pero kakaiba siya na alam ko, ngayon pa lang niya ito gagampanan. Ang isa pang narinig ko, nag-e-enjoy ang mga production staff kapag may taping sila kasama si Marian.
Laging may dala raw ito na pagkain na pagkasarap-sarap. Lahat daw sila, nakakakain talaga. Ina-assure ng Kapuso actress na lahat ay makakakain.
Hindi lang maiwasan ang pagiging nanay ni Marian, dahil kung maari lang, gusto niyang makauwi agad nang maaga para maabutan pa niyang gising ang kanyang mga anak.
Kaya okay lang daw sa kanya na maaga ang call time, basta huwag lang umagahin ang pack-up.
Ewan ko kung puwede nang sabihin kung ano ang role ni Marian dito sa ginagawa niyang series with Gabby Concepcion.
Pero kakaiba siya na alam ko, ngayon pa lang niya ito gagampanan.
Ang isa pang narinig ko, nag-e-enjoy ang mga production staff kapag may taping sila kasama si Marian.
Laging may dala raw ito na pagkain na pagkasarap-sarap. Lahat daw sila, nakakakain talaga. Ina-assure ng Kapuso actress na lahat ay makakakain.
Hindi lang maiwasan ang pagiging nanay ni Marian, dahil kung maari lang, gusto niyang makauwi agad nang maaga para maabutan pa niyang gising ang kanyang mga anak.
Kaya okay lang daw sa kanya na maaga ang call time, basta huwag lang umagahin ang pack-up.