Maraming eksenang sampalan sina Max Collins at Marian Rivera sa My Guardian Alien, ang bagong fantaserye ng GMA-7 na nag-umpisang umere noong April 1, 2024.
Gagampanan ni Max ang karakter ni Venus, na magiging kontrabida sa buhay ng karakter ni Marian na si Katherine.
Kaya tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Max kung hanggang saan niya mamalditahan at aapihin si Marian.
“Gusto niyo ba ng sample, try natin,” umpisang bulalas ni Max, na ikinatawa rin ng katabi niyang si Marian during the mediacon na ginanap sa Luxent hotel noong Huwebes, March 21.
“Joke lang,” pagpapatuloy pa ni Max sa mediacon.
Mahirap bang apihin si Marian, na tinaguriang Box Office at Kapuso Prime Time Queen?
“No,” ang mabilis na reaksiyon ni Max. “Hindi po ako nahirapan kasi professional po ako, and I love my job as an actress.
“It’s my job, and it’s been fun kasi nag-uusap kami beforehand, e, before the scene.
“Talagang like, ‘Okay ba na sampalin kita?’
“Ganun, ‘Okay ba na saktan kita?’
“Okay naman siya, so okay naman sa kanya, okay, di ba, may permission. Basta may permission, okay,” ang bulalas pa ni Max.
FIRST-TIME KONTRABIDA
Samantala, nagpasalamat si Max sa mga bumubuo ng My Guardian Alien, partikular sa kanilang direktor na si Zig Dulay at sa mga writers ng serye.
Marami raw siyang mahahabang quotable quotes, “It’s been such a joy playing Venus kasi funny talaga. I mean na-e-enjoy ko being a kontrabida for the first time, in a light sense.
“Kasi family drama ito, it’s not as mabigat as I’m used to. It’s nice kasi kahit na kontrabida yung role ko dito, parang there’s a lightness, I think, or humor to my character, in a sense, where sa sobrang arte ni Venus, I feel like magugustuhan siya ng mga tao kasi ma-e-entertain sila.
“Ma-e-entertain kayo sa performance ko.”
At tumawa si Max.
“Because it’s something… kakaibang Max Collins ang mapapanood niyo po dito.”
Inilarawan pa ni Max ang kanyang pang-aapi kay Marian.
“Yung pang-aapi ko kay Marian, yung pang-aapi ko sa kanya ay ano. Parang forgiving, parang forgiving for me.
“Kasi ano naman, e, as you saw sa AVP
parang malalim yung galit ni Venus kay Katherine at kay Tita Nova, may malalim siyang pinaghuhugutan.
“But if you actually watch our scenes, parang may pagka-funny rin yung mga away namin.
“So iyon yung ma-e-enjoy rin ng mga bata to watch. It’s something that is for the whole family at hindi talaga nila gagayahin, hindi nila gagayahin,” ang natatawang sinabi pa ni Max.
Leading man ni Marian sa My Guardian Alien si Gabby Concepcion bilang si Carlos.
Kasama rin sa cast sina Raphael Landicho as Doy, Gabby Eigenmann as Dr. Ceph, Kiray Celis as Marites, Josh Ford as Aries, Caitlyn Stave as Halley, at Christian Antolin as Sputnik.
Mapapanood ang My Guardian Alien weeknights at 8:50 p.m. sa GMA Prime.