Min Bernardo denies daughter Kathryn Bernardo’s rumored network transfer amid KathNiel breakup

Mariing pinabulaanan ng ina ni Kathryn Bernardo na si Min Bernardo ang espekulasyong kumakalat ngayon sa social media na aalis na ang anak niya sa Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN.

Ang haka-hakang ito ay nagsimulang umugong matapos kumpirmahin sa publiko nina Kathryn at Daniel Padilla, noong November 30, 2023, na nagwakas na ang labing-isang taon nilang relasyon.

Kathryn Bernardo confirms breakup with Daniel Padilla Daniel Padilla on breakup with Kathryn Bernardo: “Ang pagmamahal ko sayo ay walang hanggan.”

Kathryn Bernardo with her mom | Filipina actress, Kathryn bernardo, Model

Ayon sa kumakalat na balita, marami na raw ang nanliligaw na TV network at talent management ngayon kay Kathryn.

Kabilang daw sa listahan ng talent management na gusto siyang kunin ay ang Crown Artist Management, na pinamamahalaan ng dating Kapamilya actress na si Maja Salvador.

Mabilis naman itong pinabulaanan ng ina ni Kathryn nang eksklusibo siyang makausap ng ABS-CBN News nitong Martes, December 12.

Ayon kay Min, walang katotohanan ang espekulasyong ito.

A peek into the private lives of Kathryn Bernardo and Mommy

Maaaring naging basehan daw ng netizens ang hiwalayan ng KathNiel, ngunit hindi raw totoong aalis si Kathryn sa poder ng Star Magic.

Paglilinaw niya, “No. Hindi siya aalis ng Kapamilya network!”

Noong December 2, naglabas din ng official statement ang ABS-CBN hinggil sa hiwalayan nina Kathryn at Daniel.

Nirerespeto raw nila ang desisyon nina Kathryn at Daniel, kalakip ang pakiusap sa publiko na huwag nang dagdagan pa ang isyu sa pagpapakalat ng maling impromasyon ukol sa dahilan ng hiwalayan ng dalawa.

Min Bernardo denies Kathryn Bernardo's rumored network transfer

Daniel Padilla makes first public appearance after confirming breakup with Kathryn Bernardo Vice Ganda on KathNiel breakup: “Gusto ko silang makita na masaya ulit.” PEP OUTTAKES: Why we’re all affected by KathNiel breakup Daniel Matsunaga posts hilarious response to netizens tagging him on KathNiel split: “Iba po yun surname ko.” Joshua Garcia reacts to fake news he reprimanded Daniel Padilla for cheating on Kathryn Bernardo Gillian Vicencio’s name gets dragged into Kathryn Bernardo-Daniel Padilla breakup