Min Bernardo very proud of daughter Kathryn’s FAMAS win

Bilang isang ina, masaya at proud si Min Bernardo sa tinatamasang tagumpay ng anak niyang si Kathryn Bernardo, kabilang na rito ang pagkapanalo ng aktres sa FAMAS Awards 2024.

Naiuwi ni Kathryn ang kanyang kauna-unahang FAMAS Best Actress award sa 72nd edition ng award-giving body na ginanap sa The Manila Hotel, nitong Linggo ng gabi, May 26, 2024.

Kinilala siya sa natatangi niyang pagganap sa pelikulang A Very Good Girl bilang si Philo.

Sa Instagram reels nitong Lunes, May 27, idinaan ni Mommy Min ang pagbati niya sa bagong tagumpay na nakamit ng anak.

Laman ng 33-second reels ang kuhang video clip kunsaan masayang sinalubong ng isang bouquet of flowers si Kathryn ng kanyang ama na si Teodoro “Teddy” Bernardo nang umuwi ang aktres sa kanilang bahay dala-dala ang FAMAS trophy nito.

Kelvin Miranda addresses “brilyante ng tubig” viral photo | PEP Live Choice Cuts

Bukod pa rito ang throwback picture ni Kathryn noong siya ay bata pa at nagsisimula pa lamang ang karera sa showbiz.

MOMMY MIN LOOKS BACK HOW KATHRYN STARTED IN SHOWBIZ

Pagbabalik-tanaw ni Mommy Min, bata pa lamang si Kathryn ay bukambibig na nitong pangarap niyang maging artista.

Pitong taon pa lamang noon si Kathryn nang pasukin niya ang mundo ng showbiz nang mapabilang siya ABS-CBN kiddie gag show na Goin’ Bulilit.

Mula noon, nagsunud-sunod na ang acting projects na ibinibigay sa kanya hanggang sa pagbidahan niya ang ilang hindi makalilimutang teleserye at pelikula sa ABS-CBN.

Kagaya ng teleseryeng Mara Clara (2010), Princess and I (2012), Got To Believe (2013), Pangako Sa’Yo (2016), La Luna Sangre (2017), at 2 Good 2 Be True (2022).

At mga pelikula gaya ng Pagpag at Must Be Love (2013), She’s Dating the Gangster (2014), Crazy Beautiful You (2015), Barcelona: A Love Untold (2016), Can’t Help Falling in Love (2017), The Hows of Us (2018), at Hello, Love, Goodbye (2019).

Sa lahat ng ito, proud daw si Mommy Min sa kanyang anak na hindi sumuko sa hamon ng buhay hanggang sa makamit nito ang lahat ng mayroon siya ngayon.

Mababasa sa caption ng ina ni Kathryn (published as is): “One day you said ‘Mama Papa, gusto ko mag artista’

“Wala naman sa family natin ang artista. Pero bata ka palang alam mo na ang gusto mong gawin.

“And now here we are. Reflecting through your journey, I can say na sobrang proud kami sayo, anak!

“Remembering how you faced every struggle and challenge na napagdaanan mo/natin as family.”

Blessing din daw na maituturing ni Mommy Min na makitang lumaking matatag, determinado, at matapang si Kathryn na suungin ang anuman problemang dumating at dumarating sa kanyang buhay.

Saad niya, “Watching you overcome everything and grow into an amazing person you are has been one of our greatest blessings.

“I never knew how strong you are until I saw your determination and how you bounce back every after fall.

“You remained positive and kind to the world no matter what.”

MIN CONGRATULATES KATHRYN

Sa huli, mensahe ni Mommy Min kay Kathryn na mananatili siya at kanyang pamilya sa tabi ng aktres anuman ang mangyari.

Patuloy rin daw nilang susuportahan si Kathryn sa mga desisyon at pangarap na gusto pa nitong maabot sa buhay.

Min Bernardo very proud of daughter Kathryn’s FAMAS win

Mensahe ni Mommy Min sa anak: “If you have a dream, never let go of it, dont give up till the end.

“Make yourself your own competition. Always keep that spirit that brought you this far!

“Andito lang kami para sayo. You have earned every bit of this success!!

“Finally……..Congratulations our best actress! We love you, Anak!!!”

LIST OF 72ND FAMAS AWARDS 2024 WINNERS

Samantala, bukod kay Kathryn, nagwagi rin sa 72nd FAMAS sina Piolo Pascual (Mallari) at Alfred Vargas (Pieta) bilang Best Actor.

Best Supporting Actress si Gloria Diaz dahil sa pagganap niya sa pelikulang Mallari. Best Supporting Actor si L.A. Santos para sa In His Mother’s Eyes.

Best Child Actor si Euwenn Mikaell (Firefly), habang Best Child Actress si Elia Ilano (Ghost Tales).

Narito ang kumpletong listahan ng mga nanalo at special awardees sa 72nd FAMAS winners:

FILM AWARDS

Best Picture: Mallari

Best Director – Louie Ignacio (Papa Mascot)

Best Documentary: She Andes (Maria)

Best Screenplay: Enrico Santos for (Mallari)

Best Cinematography: Carlo Mendoza (GomBurZa)

Best Short Film: Huling Sayaw ni Erlinda by Gabby Ramos

TECHNICAL AWARDS

Best Production Design: Marielle Hizon (Mallari)

Best Editing: Benjamin Gonzales Tolentino (Iti Mapukpukaw)

Best Musical Score: Teresa Barrozo (GomBurZa)

Best Sound: Immanuel Verona and Nerrika Salim for (Mallari)

Best Visual Effects: Gaspar Mangarin (Mallari)

Best Original Song: “Finggah Lickin” from Becky & Badette

SPECIAL AWARDS
FAMAS Bida sa Takilya: Marian Rivera & Dingdong Dantes for Rewind

Circle of Excellence Award: Nora Aunor, Christopher de Leon, and Vilma Santos

Iconic Movie Actresses of the Philippine Cinema: Barbara Perez, Nova Villa, Divina Valencia, Celia Rodriguez, Pilar Pilapil, Marissa Delgado, Snooky Serna, and Sharon Cuneta

Iconic Movie Actors of the Philippine Cinema: Dante Rivero, Eddie Guierrez, Pepito Rodriguez, Roger Calvin, Lito Lapid, Bong Revilla Jr., Robin Padilla, and Coco Martin

Fernando Poe Jr. Memorial Award: Efren Reyes Jr.

Susan Roces Celebrity Award: Helen Gamboa

German Moreno Youth Achievement Award: Joaquin Domagoso

Dr. Jose R. Perez Memorial Award: Elwood Perez

Angelo “Eloy” Padua Memorial Award for Journalism: Baby Jimenez

FAMAS Lifetime Achievement Award: Tina Loy (Film and Broadcasting), Romeo Rivera (Acting), and Perla Bautista (Acting)

FAMAS Special Citation Award: Pilar Padilla, Greg Martin, and Gloria Romero

FAMAS Presidential Award: Josefina “Pempe” Rodrigo and Gina de Venecia