“Stay strong. Better days are coming.”
Bahagi ito ng quote card na naka-post sa Instagram Story ni Sarah Lahbati ngayong Linggo, May 19, 2024.
Galing ang quote sa IG post naman ni Jennifer Jiminah, na may username na @jenniferjiminah.
Si Jennifer ay isang “godly relationship coach with trauma healing.”
Mayroon siyang 84.7K followers sa IG.
Tumutulong siya sa mga tao na makita ang kahalagahan ng isang relasyon na nakasentro sa Diyos.
Bahagi ng mantra ni Jennifer ang huwag hayaan ang ibang tao na makapasok sa iyong buhay kung hindi ka nila irerespeto kahit minsan.
Dapat aniyang mag-set ang isang tao ng boundaries.
Ang quote card ni Jennifer na ibinahagi ni Sarah ay may mensahe rin na:
“To anyone who needs this reminder: Don’t go back. Not tomorrow, not next month, not in a year, not ever.
“Do not return to anyone who hurt you and made you have to heal from their mistreatment.
“They will only repeat the cycle again and again.”
SARAH LAHBATI, SINO ANG PINATATAMAAN?
Si Richard Gutierrez ba at ang pamilya ng kanyang dating mister ang tinutumbok niya sa kanyang IG Story?
Matatandaang naghiwalay sina Sarah at ang kanyang mister na si Richard noong March 2024.
Bago ang separasyon, nagkaroon na ng hint ang netizens na may lamat na ang kanilang relasyon matapos nilang i-unfollow ang isa’t isa sa Instagram noong January.
Naganap ang pag-amin ni Sarah nang makapanayam siya ng TV Patrol reporter na si MJ Felipe last March 1, 2024.
Ani Sarah sa naturang panayam, “Uhm, yeah. I mean, there’s nothing to hide and I think it’s pretty clear to the public that both of us are [single].”
Bago ang kumpirmasyon ng kanilang paghihiwalay, nagbitaw pa noon ng pahayag ang biyenan ni Sarah na si Annabelle Rama.
Ani Annabelle, “Nakikita mo naman, hindi mo na kailangang magsalita pa.
“Nakikita mo na iyan. Si Richard trabaho nang trabaho, yung isa nagwawaldas ng pera. Yun lang ang masasabi ko diyan.”
Dahil sa pahayag ni Annabelle, naturingan tuloy ng ilang netizens si Sarah bilang “Patron Saint of Waldas.”
SARAH LAHBATI NATAWA LANG SA PAGIGING “WALDAS”
Sa panayam naman ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) kay Sarah last January 24 tungkol sa diumano ay pagiging waldas niya, sambit niya, “I think it’s funny. Yeah, it’s just something I laugh about.”
Natatawang dagdag pa niya, “I don’t usually read comments, but my friends started talking about it. They’re funny…
“I don’t take anything seriously. That’s another secret to be happy.
“I don’t take anything seriously.
“If not, I will be going crazy. It’s just a funny, funny thing that’s been going around.
“I see it kind of everywhere now.
“To everyone who wants to waldas, go ahead.”
Last January 10 ay ipinasilip din ni Sarah sa netizens ang kanyang bagong tinutuluyan sa pamamagitan ng mga larawang nai-post niya sa Instagram.