Miss Grand Philippines 2023 candidate Catherine Camilon “mi.ssi.ng” according to mom, sister

Labis na nag-aalala ang magulang at kapatid ng Miss Grand Philippines 2023 candidate na si Catherine Camilon.

Ilang araw na raw kasi itong hindi nagpaparamdam at umuuwi sa kanilang bahay.

Si Catherine ay ang nag-represent ng Tuy, Batangas, sa national pageant na Miss Grand Philippines 2023 nitong nakaraang Hulyo.

Base sa mga post, October 12, 2023 pa ay hindi na ma-contact si Catherine.

Ayon sa kapatid na si Chin-chin sa kanyang Facebook noong October 13, “Baka po mababasa to ng kasama ni Catherine Camilon kagabi na ka work niya, hindi lang po namin alam kung sino, di po matandaan ang pangalan, pasabi naman po baka alam niyo po kung nasaan siya, kagabi pa po siya tumawag 8pm, kaninang umaga pa po naka off ang phone nya, hanggang ngayon at hindi din po nag oonline, palagi po sya nag aupdate sa amin, ngayon lang po talaga hindi.”

Marami pa siyang post na nagtatanong kung nasaan na ang kapatid.

Ayon sa isang post niya, “Sana makabalik ka na sa atin, madami nag aalala sayo kung nasaan ka halos dalawang araw ka ng walang update sa amin, wala namang alis na wala kang update, sana okay ka lang kung nasan ka man. Mahal na mahal ka namin”

Kahapon, October 14, ang ina naman nitong si Rose Camilon ang idinaan na sa Facebook ang panawagan.

Sabi niya, “Anak nsn ka?uwi na..magbuhay kn ng cp para makausap kn nmin..mahal n mahal ka nmin….Dyos ko tulungan mopo kame makita na oh mkausap ang aming bunsowag nio po ciang pbbyaan..ilayo nio po cia sa kapahamakan..Panginoon wla po akong ibng hinihiling para sa knila kundi ang kaausan nila..ingatan nio po cia..”

Saad niya ngayong araw, October 15, “Anak..sna alam mo na higit sa aming mga puso at icip na kailangan ka nmin mkita at mksm..mahal n mahal ka nmin.uwi na anak..magiingat ka..kailangan nmin ms mging matatag at matapang para sa iu…

May panawagan na ring lumabas sa local online news site na nakabase sa Batangas na Balisong Channel.

Bukod sa pagiging beauty queen, isa ring modelo at public school teacher si Catherine sa Batangas.

Si Nikki de Moura mula sa Cagayan de Oro ang kinoronahan bilang Miss Grand Philippines 2023.