MJ Lastimosa gets support from netizens; throws shade at Miss Grand International anew?

MJ Lastimosa pokes fun at Miss Grand International?

Umani ng suporta mula sa pageant fans si MJ Lastimosa matapos itong batikusin ng founder ng Thailand-based pageant na Miss Grand International na si Nawat Itsaragrisil.

Hindi nagustuhan ni Nawat ang old vlog ng Miss Universe Philippines 2014 na si MJ tungkol sa tanong niya sa transgender beauty queen na si Maki Gingoyon kung ano ang worst pageant sa Pilipinas.

Sagot ni Maki, ang Miss Grand Philippines ang worst pageant. Idinamay nito pati na ang international edition.

Nagtawanan pa ang dalawa na tila nakainsulto naman kay Nawat.

Dahil dito, pinutol na ng Thai beauty pageant director ang pakikipagkaibigan kay MJ at sinabihan itong huwag nang dumalo sa anumang aktibidad ng Miss Grand International.

Sa Instagram, marami ang naghayag ng suporta kay MJ sa isa niyang post.

Sabi ng isang follower, “STAY UNBOTHERED MIRIJIN. HAYAAN MO SILA ATAKIHIN SA GALIT HAHAHAHA”

MJ Lastimosa gets support from netizens

Komento ng isa, “#MJALLTHEWAY kebs na mare hahahaha lavaaaaaaan!!! imbey na imbey si Angkol nginig sa highblood hahaha”

MJ Lastimosa gets support from netizens

Dagdag ng isa, “Stay unbothered, Inday! hahaha let them bark. Kakatawa naman tong mga shupitbalers”

MJ Lastimosa gets support from netizens

“Lumaban ka Mareng MJ ! Andyan na mga aso ni Nawat. Mukhang ina-atake ng rabies dahil sa video mo. Hahahahhaha LAVET!,” sabi ng isa pang netizen.

MJ Lastimosa gets support from netizens

Ayon sa isa, “The unapologetic queen hahahaha hayaan mo lang sila @mj_lastimosa taas ng engagement mo love it!!!!”

MJ Lastimosa gets support from netizens

Sabi naman ng isa, “HAHAHA IKAW LANG PLA KATAPAT NI ANGKOL. HIGHBLOOD NA KNINA SA LIVE”

MJ Lastimosa gets support from netizens

Dinumog din ng bashers na supporters ng Miss Grand International ang post ni MJ.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

MJ Lastimosa gets support from netizens

MJ Lastimosa gets support from netizens

MJ Lastimosa gets support from netizens

Samantala, tila may pitik naman si MJ sa Miss Grand International sa isang komento na kanyang sinagot.

Ayon sa netizen, “Gitagna nga koronahan [Hinuhulaang makoronahan] [sparkle, crown. heart emojis]”

Pabirong tugon ni MJ, “One and ….”

Tugon ng netizen, “Onleee hahaha”

MJ Lastimosa gets support from netizens

Ang tagline kasi ng Miss Grand International ay “The one and only.”

Mukhang hindi rin naman apektado si MJ dahil kasalukuyan niyang ini-enjoy ang kanyang Genting Dream Cruise.