Netizens debate over Vicki Belo’s revelation that she sends assistant to France when craving for cake

“Bakit ang bitter???” Pera nyo??” netizens get into an argument over celebrity doctor Vicki Belo’s revelation that she and husband Hayden Kho sometimes tell their assistant to travel to Paris, France to buy Vicki’s favorite cake. PHOTO/S: YOUTUBE (VICKI BELO) / @JEANPAUL_HEVIN ON INSTAGRAM

Magkahalo ang reaksiyon ng netizens sa favorite cake ni Dra. Vicki Belo.

Sa recent vlog ng kilalang cosmetic surgeon, nabanggit na sa Paris, France ito nabibili, at kapag nagki-crave siya nito ay paliliparin niya ang personal assistant (P.A.) doon.

Binanggit din ng kanyang mister na si Hayden Kho na kapag nag-away sila ni Vicki, uutusan din ni Hayden ang kanilang P.A. na bumili ng Jean-Paul Hevin cake sa Paris bilang peace offering.

Dumagsa ang komento ng netizens.

May tumawag na “injustice” ang display of wealth ni Dra. Vicki.

Pinaratangan din siyang mayabang o “show off.”

May iba naman na tila nakaramdam daw ng self-pity dahil sa kuwento ni Belo na uutusan ang assistant na bumiyahe pa sa Europe just to buy her favorite cake.

Sa vlog, may disclaimer sina Vicki at Hayden na gumagamit naman sila ng “points”—most probably ay travel points—para makapag-avail ng libreng plane ticket.

Sa kabila nito, umani ng negative comments ang pagpapabili ng cake sa ibang bansa na parang “bumili lang sa Quiapo.”

Nag-joke naman si Dra. Vicki na hindi niya alam ang pakiramdam na ito dahil “never akong pumupunta ng Quiapo.”

CONS

Bagamat wala sa tono ng celebrity doctor ang pagyayabang at wala rin namang isyu ang personal assistant sa pagbibiyahe nito papuntang Paris, may mga netizens na hindi mapigilang punahin ang “kapritso” ni Dra. Vicki.

comment

comment

comment

Isinisisi pa ng iba sa doktora ang pagiging mayaman niya.

“Good for her… so many died for hunger,” published-as-is comment ng isa.

comments

Sabi ng isa pang netizen, “Ostentatious display of wealth for the haves to flaunt to the have nots.”

Pagsang-ayon ng isa, pagyayabang daw masyado ang pagpapakita ng yaman, tulad ng ginawa ni Belo.

“At least don’t tease the MASANG PEOPLE who struggle so much just to bring food on the table.”
comments

At siyempre, hindi mawawala ang mga banat na sana itinulong na lang sa iba dahil marami ang nagugutom.

comments

PROS

Marami ring nagtanggol kay Vicki.

“Kung afford naman nila at hindi ninanakaw ang pera why not!” simpleng komento ng isa.

May mga nagsabi ring karapatan ng doktora na gastusin ang perang pinaghirapan sa paraang gusto niya.

comment

comments

Dagdag ng isa pa, hindi kasalanan ni Vicki na mayaman siya.

“Pera niya yan pinag hirapan niya yan.. ano gusto niyo maambunan ng yaman niya.. mag banat kayo ng buto at wag kayo mamburaot at umasa sa bigay,” banat ng netizen.

comment

“Advice” naman ng isa, “Hayaan mo sila how they want to spend their money kasi pera naman nila yun. Hard earned money.”

comment

Puna ng isa pa, “bakit ang bitter???” Pera nyo??”

Pagsang-ayon ng isa pa, kung afford naman ito ni Vicki, bakit naman niya titipirin ang sarili?

“Di naman nya ninakaw yung pera. These people just can’t be happy for others.”

comments

Suma tutal, mahirap talagang i-please ang lahat.

So whenever people judge or bash you, it’s your life—choose the way you want to live it.