Nikko Natividad on MTRCB imposing 12-day suspension on ‘It’s Showtime’: “Sana mabago pa yung isip ng MTRCB.”

Nagbigay ng kanyang reaksiyon ang actor-dancer na si Nikko Natividad sa desisyon ng MTRCB na patawan ng 12-day suspension ang Kapamilya noontime show na It’s Showtime.

Ito’y dahil sa ilang mga paglabag umano ng programa, kabilang na ang “indecent act/s” ng real-life partners na sina Vice Ganda at Ion Perez sa segment na “Isip Bata,” noong July 25, 2023.

Noong September 4, 2023, inilabas ng Movie and Television Review and Classification Board ang kanilang suspension order laban sa It’s Showtime.

It's Showtime' to file motion for reconsideration after MTRCB 12-day suspension | Philstar.com

Ayon kay Nikko, dating miyembro ng all-male group na Hashtags sa It’s Showtime, maging siya ay nagulat sa desisyon ng MTRCB.

Aniya, “Sa totoo lang, nakakalungkot talaga. Nag-umpisa lang naman yon sa isang issue tapos sinundan na nang sinundan.

“May nakapansin lang na isang tao, ginatungan na nang ginatungan hanggang sa lumaki yung apoy.”

Rendon Labador hinamon ang MTRCB dahil sa ginawa nina Vice Ganda at Ion Perez MTRCB Chair Lala Sotto affirms decision that ‘It’s Showtime’ committed a violation: “Magalit na kung sino man ang magagalit.”

Hindi rin daw siya makapaniwalang labindalawang araw ang itatagal ng suspension sa dating kinabibilangang noontime show.

Saad ni Nikko, “Nakakalungkot lang na mabalitaang 12 days yung ipinataw na suspension ng MTRCB.

“Kung iisipin mo, twelve days yon, ang tagal ng 12 days.

“Sabi ko nga, sana mabago pa yung isip ng MTRCB at sana magawan nila ng paraan. “

Pero kung saka-sakaling hindi na mabago ang desisyon ng ahensiya, sana lang daw ay ikonsidera nila ang mga taong sumusubaybay sa It’s Showtime.

“Alam ko naman na maaayos nila, pero kung magkataon na hindi man, sana huwag naman ganon katagal na 12 days.

“Ang tagal nung 12 days na hindi mapapanood ng mga tao yung It’s Showtime.

“Nakasanayan na yon ng marami na kada tanghali manonood sila ng It’s Showtime,” sabi ni Nikko nang eksklusibo siyang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Urban Smiles 10th Anniversary Ball noong September 18, 2023.

Ibinahagi rin ng aktor na ilan sa mga host ng It’s Showtime na nakakausap niya ang labis na nalulungkot sa naging desisyon ng MTRCB.

Nikko Natividad - IMDb

Taliwas daw ito sa iniisip ng iba na pabor sa mga host ng programa ang 12-day suspension dahil panandalian silang mapapahinga.

Kuwento ni Nikko, “Si Jacky [Gonzaga] kaibigan namin yan, isa siya sa mga nakakausap namin na taga-It’s Showtime.

“Talagang nalulungkot sila. Ako at kami nga na wala na dun nalulungkot, e, paano pa kaya sila?”

Dagdag pa niya, “Hindi dahil sa wala silang work ng 12 days ha, kasi kung titingnan mo, parang day-off na lang nila yon, e.

“Puwede silang magpahinga at magbakasyon sa loob ng 12 days.

“Pero yung 12 days na hindi umeere sa TV yung It’s Showtime, ayon yung talagang nakakalungkot.”