PEP OUTTAKES: Why we’re all affected by KathNiel br.eakup

KathNiel breakup

ERWIN SANTIAGO, PEP ASSOCIATE EDITOR FOR CONTENT

Dumating na ang kinatatakutan ng marami: ang kumpirmasyong hiwalay na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Mistulang tumigil ang mundo dahil sa balitang gumimbal sa mga Pilipino: break na ang KathNiel.

Ilang linggo nang usap-usapan na tinapos na nina Kathryn at Daniel, ang pinakasikat na love team sa Pilipinas, ang kanilang relasyon.

At ngayong Nobyembre 30, 2023, Bonifacio Day, nagkaroon na ito ng kasagutan mula mismo kina Kathryn at Daniel.

Magkasunod na naglabas ng official statement ang dalawa, sa pamamagitan ng kani-kanilang social media account, upang kumpirmahin ang matagal nang alam ng marami at pilit itinatanggi ng kanilang mga masugid na tagahanga.

Pero kapansin-pansin na hindi binanggit nina Kathryn at Daniel ang dahilan ng kanilang breakup.

Sa gitna ng kalungkutang nararamdaman ngayon ng publiko, ito ang nais malaman ng PEP: Bakit nag-break ang KathNiel?

RACHELLE SIAZON, DEPUTY MANAGING EDITOR

Ang sakit! I can just imagine how heartbreaking it is to go through a breakup, more so to go public about it.

I am a huge fan of KathNiel because of how good they are as a team on and off cam.

Akala ko talaga ay for keeps na, lalo na at ang tagal na nila as a couple.

But I remember a few months back, I started wondering how they were handling tough issues plaguing their relationship.

Isang trusted source ang nagparating sa atin na diumano’y may na-lilink kay Daniel na other girl at nakarating sa mga taong malapit na malapit kay Kathryn.

Ang hirap paniwalaang hindi alam ni Kathryn. Para kasing imposibleng hindi iyon makarating kay Kathryn, lalo na kung true friend iyong nakaalam ng sinasabing pagkaka-link kay Daniel sa other girl.

Sabi ko pa sa source, hindi naman siguro ito-tolerate ni Kathryn kung may nalaman man siya na umaaligid sa nobyo.

Hindi ko rin mapaniwalaan dahil very vocal sina Daniel at Kathryn kung gaano ka-strong ang kanilang relasyon sa kabila ng mga away at tampuhan na nararanasan nila tulad ng ibang ordinary couples.

May konek kaya iyon sa hiwalayan nila ngayon? Hindi ko pa rin lubusang maisip.

Kung bakit ba naman ang dami ring lumalabas na espekulasyon tungkol sa couple recently.

Sana ay magbigay ang KathNiel ng direct denial sa ibang hindi magandang impormasyong iniuugnay sa kanila.

ARNIEL SERATO, PEP LEAD CORRESPONDENT

Nagkasawaan? O, talagang nagkasawaan?

11 years is no joke!!!

Marami na akong naririnig na tampuhan ng dalawa, pero ayokong makialam o magkomento dahil buhay naman nilang dalawa iyan.

Pero ang lungkot dahil ang dami na nilang investments as a couple, bilang magkarelasyon.

Ito nga siguro yung dahilan kung bakit tumagal nang halos isang buwan bago ianunsiyo ang kanilang hiwalayan.

Ang dinig ko, nag-usap-usap muna ang kanilang mga abugado para hatiin ang kanilang investments bago nila i-announce ang kanilang hiwalayan.

ROMMEL LLANES, ASSOCIATE EDITOR FOR VIDEO

Natatandaan ko nung nag-PEP Talk sila around 2014, pinipilit pa natin noong paaminin sila sa “real score” sa kanilang dalawa. Siyempre, may pakilig sila noon sa atin at sa PEPsters na may something sila, pero wala pang aminan.

Ganun naman talaga kapag love team na pinu-push ng network. Kailangang gawin nila ang trabaho nila. Alam naman natin yun. Pero para sa atin noon na naroon sa PEP Talk shoot, nagho-hope tayo na sana nga magkatuluyan sila.

May something talaga sila, e. May kemistri.

Ilang years later, umamin na rin sina Daniel at Kathryn. Natuwa tayo. Kasi bagay naman talaga sila.

And then, this happens.

To say na hindi tayo affected kahit paano—dahil nag-hope nga tayo noon na maging sila na, forever—parang hindi pwede. Affected tayo. Sa ayaw natin o hindi.


TIN BAYLON, NEWS STAFFWRITER

Hindi naman na nakakagulat yung pag-amin na ito ng KathNiel, lalo’t matagal na nating alam na hiwalay na sila, hindi lang natin ma-confirm dahil gusto nating sa kanila mismo ito manggaling.

Pero sa KathNiel fan, sobrang nakakalungkot pala kapag sa kanila mismo nanggaling na natapos na ang ilang taon nilang relasyon.

Parang in the blink of an eye natuldukan ang ilang linggong “diumano” sa relasyong KathNiel.

Napapaisip tuloy ako, paano na ang mga upcoming projects nila na magkasama?

Parang noong March 2023 lang nang i-announce ni Kathryn na may nilulutong KathNiel project ang Star Magic sa direksyon ni Direk Cathy Molina-Sampana.

Kinumpirma naman ito ni Daniel noong April 2023 nang sabihin niyang tuloy na tuloy na ito.

Paano na kaya ngayon? Itutuloy pa ba nila ito?


BERNIE FRANCO, NON CELEBRITY DEPUTY EDITOR

Klaro. Wala nang guessing game. No more assumptions.

Definitely sad news ang kumpirmasyon nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na hiwalay na sila.

Pero looking on the bright side, meron ding nakaka-appreciate sa pagiging tapat nila sa estado ng kanilang relasyon.

Now the process of healing and moving on can begin, not only for Kathryn and Daniel but also for their millions of fans.

Ilang buwan na ring usap-usapan ang breakup ng KathNiel. Naghihirap ang kalooban ng kanilang supporters. Yung binibigyan nila ng kahulugan ang bawat kilos, bawat post kung totoo o hindi ang isyung hiwalayan ng kanilang mga idolo.

“Totoo ba? Baka puwede pang maayos,” ilan sa mga hangad ng kanilang fans.

If anything, saludo ako sa KathNiel sa pagiging honest sa kanilang hiwalayan. Their fans and the people who really love them deserve the truth.

At ibinigay ng KathNiel ang katotohanan sa mga taong nagmamahal sa kanila. Marahil ay may mga inayos lang silang personal matters bago i-announce ang kanilang paghihiwalay.

Their confirmation of their breakup—even if it is not easy—is a show of concern and consideration for their supporters who became crucial in making KathNiel the biggest love team of this generation.

But for now, the best thing to do, as Kath puts it, is “try to heal and move forward from this.”

FK BRAVO, LIFESTYLE WRITER

Kathryn just continues to surprise me. It’s a rarity for someone who grew up in the public eye to handle major personal changes with grace and respect. That is what she showed everyone tonight.

From experience (although I don’t have many years I can brag about), it’s almost inevitable for former partners to air their dirty laundry once they make the official announcement of separation. I have had to write articles about statements from both parties leaning towards the nasty. I guess you can’t blame them either—regrettable things, after all, happen in the most blinding heat of the moment.

There can only be so many clues we can stitch together to formulate the perfect reason behind what I would consider the most shocking split of this already breakup-riddled season. Who knows? Even they themselves don’t know what the exact reason is, but figure it best to seal their love story with the honest, almost soul-baring reflection that some things just can’t be forced.

When Kath said they’d been drifting apart for months now, I felt the sting in every word. I don’t know if people realize that what’s more painful than the parting itself is really the tragic days, the dreadful process leading up to it. I can’t imagine how much they had to bear, to smile and to give fans the impression that all is still well.

One thing that has come about from all of this is the people’s utmost respect for Kathryn’s decency, sincerity, and courage.

She may come out of this scarred, but she is proving to us that this hurt we feel now does not have to stain the good memories. Saludo ako sa ‘yo, Kathryn!