GORGY RULA
Natawa si Piolo Pascual na parang hindi alam kung ano ang isasagot niya nang nagpakilala ako bilang “Shaina” sa mediacon para sa kanyang concert noong Huwebes, October 19, 2023, sa Kao Manila ng Newport World Resorts, Pasay City.
Ang sabi kasi ng host na si Nicole Cordoves, magpakilala muna bago magbato ng question sa Kapamilya actor. Palusot ko na lang yun para ma-segue na ang pag-usisa kung ano ba talaga ang meron sa kanila ni Shaina Magdayao.
Marami ang naintriga nang magkasama sila sa ABS-CBN Ball.
Ang sabi pa nina Ogie Diaz at Mama Loi sa kanilang vlog, tinatanong daw nila si Papa P tungkol kay Shaina, pero sinasayawan lang daw ng aktor ang dalawa.
Ano na ba ang sa kanila ni Shaina? Meron bang na-rekindle na dating magandang pagtitinginan nila?
Pabirong sinagot kami ni Piolo ng, “Na-rekinder! Hahaha!”
Magsasama sila sa isang teleserye na nakatakdang gawin ni Piolo sa susunod na taon. Pero napapadalas daw ang pagkikita nila.
Hindi naman daw niya isinasara ang posibilidad, pero sa ngayon ay trabaho pa rin ang pina-prioritize ng aktor.
“Tingnan natin kung anong mangyayari. Kasi, of course, there is pressure in the family, in the society, and she’s been friends… she’s always in our celebration. She’s always there.
“Let’s see, you know, for now I’m really busy and it’s just something that I don’t have any time for. So, I don’t wanna be unfair.
“But you know, I’m not dating anyway. So, what you see when we’re together is really how we are. I hope she’s not dating too,” pahayag ni Piolo.
Congratulations sa napaka-successful na concert ni Piolo, ang An Ultimate Night With Piolo na ginanap sa Newport Performing Arts Theater nung Biyernes, October 20.
Sa Nobyembre ay lilipad na siya pa-North America para sa five-stop concert tour sa U.S. at Canada.
Pagbalik niya rito ay magiging aligaga na siya sa promo ng 49th Metro Manila Film Festival (MMFF) entry niyang Mallari ng Mentorque Productions.
Kasama rin si Piolo sa pelikulang GomBurZa na kalahok din sa MMFF 2023.
NOEL FERRER
Maligaya si Piolo sa kanyang pag-iisa. Pero bukas pa rin ang posibilidad na magkakaroon siya ng katuwang sa buhay.
Kaya lang, trabaho pa rin ang nasa isip niya, kahit malapit na siyang mag-47.
Paano na ang pampersonal niya? ”
Diyan lang. Diyan lang. May mga bagay na hindi para sa atin… darating tayo diyan,” lahad ni Piolo.
“For now, really I’m… I’m 46, I’m turning 47 in a couple of months, in a couple of weeks. And I don’t see any sign of slowing down, you know.
“I’m excited with what Cornerstone has in store for us this coming year. Sumasabay kasi sila, e.
“So, we’re not stuck which is doing TV, soaps, films, concerts, events. Anything that has to do with content. Kasi, there is a demand for, there is a vacuum for it.
“So we wanna take advantage of that. That’s why we hire more creative people and in turn, we get to become more challenged and to really raise the bar para naman hindi tayo nahuhuli sa game.”
Ganito siguro ang mga aktor na focused on being successful at naisasantabi ang love life like certain people we know. Basta, hangad natin ang kanilang buong buong kaligayahan!
JERRY OLEA
Bakit ganoon ang ngiti at halakhak ni Piolo nang magpakilala si ka-Troikang Gorgy bilang Shaina?
“Puwede bang walang sagot?” paglalambing ng Ultimate Heartthrob.
OK, sino na lang o ano ang source of inspiration niya?
“Yung trabaho ko… wala akong maisip, e… kumbaga, yun na yun, e,” pangiti-ngiting sabi ni Papa P.
Isa ba “siya” sa mga source of inspiration niya?
“Siyempre, siyempre naman po. Sa ngayon, pamilya ko.”
Ayan, puwede nang i-title… Shaina, inspirasyon ni Piolo!
“Buntis nga siya, e!” natatawang sambot ng multi-awarded actor.
“Buti pa nga,ibang tao alam, e. Pinagtatawanan na lang namin actually, lalo na magkasama kami nung isang araw. Nagpa-picture siya, may bata, ‘O, bata na siya!’ Ha! Ha! Ha!
“We made fun. People are always going to make more stories just to get people’s attention. That’s part of the game.”
Nang uriratin kung ano ang net worth niya, ang tugon ni Piolo, “I’m not stingy. I’m very wise with my investments. I don’t spend beyond what I can spend.
“Hindi ako yung tao na pupunta sa isang bagay, so my investments, I always share with four different people, my hotel business.
“I don’t have a business na ako lang, well, aside from the ones that we have in Batangas.
“You wanna leave a legacy wherein people will be able to enjoy, you know, what you’ve left behind.
“And that’s what I try to set up not just for myself but for my family, and hopefully, you know, that can secure their future…
“It’s part of the deal, you know. You get to be blessed and to further your portfolio, and grow.
“I mean, you know, in showbiz, masarap siya dahil may growth pa. Akala ko, wala na… And now, I’m still growing. And I just wanna be a voice to these characters.
“But financially… I don’t wanna say I’m stable. I’m OK. I’m an easy person, I don’t splurge, I don’t spend on things that are not essential especially after the pandemic. So, ipon lang.”
Paglilinaw lang tungkol sa sinabi niyang gusto niyang meron siyang maiiwang legacy para sa family, na naggo-grow pa rin siya and all. Gusto ba niyang magkaroon pa ng mga anak at lumaki pa ang kanyang pamilya?
Napangiti si Piolo, “Sa dami ng trabaho ko, parang… unfair naman kung di ka mag-iiwan ng ano, di ba, ng pamilya.
“So in this time, siguro pag tuli na ako. Ganun! Joke! Pag malaki na po ako, kasi bata pa ako talaga, e.
“Most promising nga ako, di ba, sa showbiz…”
Siyanga pala, sa Nobyembre ay streaming na ang Netflix original series na Replacing Chef Chico, kung saan bida sila nina Alessandra de Rossi at Sam Milby.
Next month din ire-release ng Star Music ang bago niyang album na naglalaman ng walong kanta. Ka-duet ni Piolo sina Juris, Morissette, Yeng Constantino, KZ Tandingan, Moira de la Torre, Kyla, at Regine Velasquez.
Nag-premiere recently sa 28th Busan International Film Festival ang pelikulang Moro ni Direk Brillante Mendoza. Maliban kay Piolo, nasa cast ng Moro sina Christopher de Leon, Laurice Guillen, Baron Geisler, Joel Torre, Beauty Gonzalez, Felix Roco, Ina Feleo, at Dido de la Paz.