“Grabe ka Barbie Forteza nakakakilabot. Ang galing!”
Isa lamang ‘yan sa mga papuring natanggap ni Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza sa inilabas na tribute video ng Pulang Araw para sa pagdiriwang ng 126th Philippine Independence Day ngayong araw, June 12.
Mapapanood sa naturang tribute video si Barbie kung saan emosyonal na tumutula tungkol sa kaniyang pag-ibig para sa pamilya at sa kaniyang inang bayan.
Ipinakita ni Barbie ang kaniyang husay sa pagbibigkas ng mga linya at mabilis na pagpapalit ng emosyon na ikinabilib ng maraming netizens na nakapanood ng video.
“Grabee emotion nakakaiyak sobra galing my Princess Barbie sobra na naman ang award mo dito. God bless you always my Primetime Princess Barbie Forteza,” komento ng isang fan.
“Galing ng acting and ‘yung transition from ‘yung story ng mother niya to inang bayan which is Philippines grabe,” dagdag ng isang netizen.
Dahil dito, marami pa ang mas na-excite na mapanood si Barbie sa biggest family drama ng GMA ngayong 2024 na Pulang Araw.
“Goosebumps!! Grabe ka Barbie nakakapanindig balahibo ka. Kinilabutan ako sa’yo napakagaling. Nakaka-excite ang Pulang Araw!” saad pa ng isang fan.
Sa X, magbilis din na nag-trending si Barbie dahil sa naturang tribute video.Ngayong araw, bumisita sa Mandaue City sa Cebu si Barbie kasama si David Licauco upang makiisa sa selebrasyon ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas, dito.
Samantala, inanunsiyo na noong Lunes, June 10, na ipalalabas ang Pulang Araw sa streaming platform na Netflix sa July 26, tatlong araw bago ito mapanood sa GMA simula sa July 29.
Makakasama ni Barbie sa nasabing serye sina Sanya Lopez, David Licauco, at Alden Richards. Kasama rin si Dennis Trillo na gaganap sa kaniyang first kontrabida role.
Abangan ang Pulang Araw sa GMA. Para sa iba pang updates bisitahin ang GMANetwork.com.