Rita Daniela downplays “sapawan” issue involving Jessica Villarubin

Naging trending sa social media ang balitang pananapaw diumano ni Jessica Villarubin sa mga kasamahan niyang singers sa Queendom noong GMA Night special tribute para sa namayapang broadcaster na si Mike Enriquez nung nakaraang September 1, 2023 sa burol nito sa Christ The King Parish sa Greenmeadows, Quezon City.

Ang Queendom ay ang Kapuso all-female singing group na kinabibilangan nina Julie Anne San Jose, Rita Daniela, Jessica Villarubin, Thea Astley, Mariane Osabel, at Hannah Precillas.

Inawit ng Queendom ang kantang ā€œLead Me Lordā€ at napansin ng marami ang tila pagbirit ni Jessica kung kaya’t mukhang nasapawan nito ang mga kasama noong gabing yun.

Nagbigay na rin ng pahayag niya si Jessica tungkol sa viral video at sinabing huwag sanang bigyan ng kulay ang naging pagkanta at buong puso niya lang kinanta ang parte na binigay sa kanya.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Rita Daniela sa nakaraang 10th anniversary ng Urban Smile Dental Clinic at kaarawan ng may-ari nito na si Dr. Ralph Figaroa delas Alas aka Dr. RFD nung nakaraang September 18 sa Seda Hotel, Quezon City, agad naming tinanong ang Queendom member kung hindi raw kaya maulit ang naturang sapawan issue sa darating na concert nila sa December 2?

Lahad niya, “I don’t think na mangyayari yun kasi I really think na lahat kami magsya-shine as individuals kasi iba-iba ng strengths as a singer and as a performer. I think yun ang inaabangan ng lahat sa Queendom.”

May ilang nang-intriga na sa naturang viral video ay kapansin-pansin na iba ang naging tingin niya kay Jessica nung oras na iyon. Depense naman ni Rita, nabigyan lang din ito ng kulay ng iba kahit wala naman siyang ibang ibig sabihin dito.

Paglinaw ni Rita, “Siguro sa mga nakakakilala talaga sa akin, that’s how I really react, how I look kasi sobrang talas ng aking mata. Minsan naiisip nila na may ibig sabihin ang mata ko, pero talagang pinapanood lang namin ang kapwa naming singer.

ā€œSaka siyempre talagang biglaan ang pangyayari, actually that day lang namin narinig yung kanta na yun na ā€˜Lead Me Lord,ā€™ kaya kami nagtitinginang lahat, yun ang istorya nun. Siyempre kailangan naming makiramdam; kapain, kailangan as a group kami. Siguro yun nga, talagang nabigyan lang ng kulay yung performance ni Jessica but I think she’s just only performing. That’s just how she is, that’s just how she sings.”

Tinanong din namin si Rita kung tumawag at nagpaliwanag ba sa kanila si Jessica sa nangyari.

Tugon niya, “Ay, hindi! Actually, talagang tawanan lang kami. Si Julie pa ang nagsabi sa akin, di ko alam kasi as a mom naka-focus ako kay Uno. Siya pa ang nag-message sa akin, “Bakla, trending tayo.” Sabi ko, “ah bakit?” Di talaga siya naging big issue sa amin, tinawanan lang talaga namin siya.”

RITA PREPARES FOR BIG CONCERT

Dahil nalalapit na ang concert ngĀ Queendom: LiveĀ na gaganapin sa darating na December 2 sa Newport Performing Arts Theater, may mga paghahanda na rin na ginagawa si Rita para sa nalalapit na concert.

Kuwento niya, “Actually, unti-unti, di na ako masyadong umiinom ng malalamig. Medyo iniiwasan na natin kasi siyempre papalapit na yung concert, December 2 na ang aming concert.

ā€œMaraming salamat kasi sa totoo lang nung tsinek ko yung site, malapit nang ma-sold out yung tickets namin. Even kami bumili kami ng tickets kasi talagang malapit na siyang maubos so thank you po, maraming salamat.”

WHEN WILL RITA REUNITE WITH KEN CHAN FOR TV PROJECT?

Isa sa seryeng tinangkilik ng publiko sa GMA-7 ay angĀ Special TatayĀ na pinagbidahan nila Rita at Ken Chan at nabuo ang tambalang RitKen. Marami ang nag-aabang kung kaylan daw kaya mapapanood na magtatambal muli ang dalawa sa isang proyekto.

“Kami ni Ken, okay kami, wala naman masyadong nagbago sa amin. Kung anuman yung nasabi ko sa interview, ganun pa rin kami. Siyempre things change, people change. Right now he’s very busy with his new business.

“Now wala pa akong naririnig na pagsasamahan namin ni Ken but I’m really looking forward to it.”

Sa ngayon ay napapanood si Ken sa seryengĀ Abot Kamay Na PangarapĀ kung saan pinapareha siya ngayon kay Jillian Ward. Masaya naman ang Kapuso actress na mainit ring tinatanggap ng mga tao ang tambalan ng dalawa.

“I’m really happy for him kasi I really believe na pag ang dalawang tao na magagaling na aktor kahit na sino pa ang i-partner sa kanya, pag mahusay, mahusay talaga siya.”

Sa ngayon ay lie low muna sa paggawa ng serye si Rita at focus sa pag-aalaga sa anak na si baby Uno lalo’t isa siyang single mom na talagang hands-on sa kanyang anak.

“Sobrang hands-on ko, ako lang nag-aalaga sa baby ko and my mom, wala pa akong nanny.

ā€œTalagang I do everything, all the work but I think it’s gonna be worth it kasi kahit na one year na tutok na tutok ako kay baby Uno. Definitely may pupuntahan, mapi-feel niya talaga na love ko siya.”

Siniguro naman ng aktres na maganda ang samahan nila ng ama ng aktres bilang mga magulang kay baby Uno.

“From my last interview with Tito Boy saĀ Fast Talk, we’re good friends, co-parenting, lahat gagawin namin for the sake of our son,” paninigurado niya.