Rumored couple Zen Hernandez and Atom Araullo spotted in Hong Kong

Spotted sa Hong Kong ang rumored couple na si ABS-CBN News anchor Zen Hernandez at GMA Integrated News anchor na si Atom Araullo.

Tila sa Hong Kong ipinagdiwang ng dalawa ang kanilang kaarawan, base sa Instagram post ni Zen.

Noong October 4, 2023 ang birthday ni Zen, at sa darating na October 19 naman ang birthday ni Atom.

Zen Hernandez, Atom Araullo cozy in Hong Kong

Mukhang may reunion din sila sa dating ABS-CBN News reporter na si Ryan Chua.

Dating magkakasama sa Kapamilya network sina Zen, Atom, at Ryan.

Si Ryan ay nakabase na sa Hong Kong at birthday rin niya ngayong buwan.

Mensahe ni Zen sa kanyang post kagabi, October 9, 2023, “Happy birthday dearest bestie, @ryan_chua And thank you for the gift @chowee_hsieh! Love this pearl set from @pamanaclassicahk [heart emoji]”

Sa comments section ng post ni Zen ay bumuhos ang komento ng mga kinikilig na netizens.

Saad ng isa, “Sir Atom Araullo, ano na? bilisan mo panliligaw mo, sagot ko na tatlong baboy pang humba pa lang yan ha. iba pa ung pang menudo at afritada”

“Yehey mgkasama cla ni sir Atom,” sabi naman ng isa pang kinilig na fan.

Suhestiyon ng isa, “Happy birthday po, sana magpakasal na kayo ni Sir Atom”

Ayon sa isa pa, “thing na thing! ?? bakit ako yata ang kinikilig. Happy bday!”

Maiksing komento ng isa, “sila na nga…”

“Bagay na bagay waiting for next chapter,” sabi ng umaasang magkatuluyan na nga ang dalawa.

Napansin naman ng mapanuring mata ng isang netizen na parehong kulay ang suot na damit nina Zen at Atom.

Aniya, “same color ng damit, sana kayo na talaga, fan na fan niyo ako.”

Si Atom ay may mga post din sa Instagram Story niya na kuha sa ilang lugar sa Hong Kong.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, may hiwalay na post si Ryan sa kanyang Instagram.

Saad niya sa caption, “Birthday month reunion”

Kasama nina Zen, Atom, at Ryan sa larawan ang partner ng huli.

Naging Instagram official sina Atom at Zen noong October 2022.

Unang napansin ng netizens ang closeness nina Atom at Zen dahil sa post ng kapwa nila news anchor na si Pinky Webb nang maispatan niya ang dalawa na nagbabakasyon din sa Balesin, isang private beach resort sa Polillo, Quezon.

Hanggang ngayon ay wala pa ring tuluyang pag-amin sina Zen at Atom sa real score ng kanilang relasyon.