Ruru Madrid, Bianca Umali may ‘sistema’ na sinusunod para maiwasan ang selosan

Alamin kung paano naiiwasan nina Bianca Umali at Ruru Madrid ang selosan sa kabila ng love teams.

Bilang celebrities, hindi maiiwasan na maipareha sila sa iba sa kani-kanilang mga serye ang real-life Kapuso couple na sina Ruru Madrid at Bianca Umali. Ngunit kahit ganu’n, ayon sa aktres, ay meron na silang sistema ng kaniyang boyfriend para maiwasan ang selosan sa kanilang trabaho.

“Meron na kaming sistema in the relationship na we will put an effort into being transparent and honest with each other,” sabi ni Bianca Umali kay Aubrey Carampel sa 24 Oras.

Dagdag pa ng aktres, “Kasi kami ni Ruru, parehas kami magtrabaho e, parehas kami kung gaano ka-commited and ‘yung passion namin sa trabaho namin, we work on the same level.”

Kamakailan lang ay naging bahagi ng action drama series na Black Rider ang Vivamax A-lister na si Angeli Khang na gumaganap bilang si Nimfa, ang bagong love interest ni Elias (Ruru Madrid).

Sa naunang panayam kina Angeli Khang at Ruru Madrid, inamin ng aktor na “awkward” ang naging unang pagkikita nila dahil sumabak kaagad sila sa intimate scenes.

Kuwento ni Angeli, “First scene namin ni Ruru, kiss agad. Sabi nga namin, ‘Wala man lang bonding, ganyan, ganyan.’ Ito, ito bonding namin, kiss na. Ito ‘yung bonding natin, kiss kaagad.”

Ayon naman kay Ruru, pinlano niyang ipaalam kaagad kay Bianca ang tungkol dito. Ngunit dahil walang signal sa set, hindi niya ito agad nasabi.

Aniya, “S’yempre alam naman natin kailangan ipagpaalam ‘yung mga ganyang bagay. Eh dahil wala pong signal, hindi ko po nasabi kaagad.”

BALIKAN ANG SWEETEST MOMENTS NINA BIANCA MADRID AT RURU MADRID SA GALLERY NA ITO:

Samantala, thankful naman sina Bianca at Ruru sa takbo ng kanilang mga career. Si Ruru para sa kaniyang action drama series, at si Bianca naman para sa upcoming fantaserye na Encantadia Chronicles: Sang’gre.

Ngayon, papunta ang aktres sa Japan para dumalo sa Jinseo Arigato Film Festival para sa premiere ng pelikula nila ni Nora Aunor na Mananambal.

Pag-alala ni Bianca Umali sa experience na makatrabaho ang Superstar, “To be side by side, kasama ko siyang umarte, it felt like I was going through a masterclass by Nora Aunor.”

Bukod sa kaniyang acting skills, hinahasa na rin ng aktres ang kaniyang pagiging performer lalo na nang maging parte siya ng Sparkle Goes to Canada Tour.

Dito, naging malapit silang magkaibigan ng Pulang Araw star na si Barbie Forteza, isang bagay na ikinatuwa naman ni Ruru.

“Natutuwa rin si Ruru na sinasabi niya sa akin, ‘Natutuwa ako na nakahanap ka ng isa pang kaibigan.’ Natutuwa daw siya na nakikita niyang love din ako ni Barbie the way I love her,” pag-alala ni Bianca.