Ruru Madrid, Bianca Umali on doing kissing scene with co-stars

Ruru and Bianca talk about key to a lasting relationship amid showbiz breakups.
Ruru Madrid and Bianca Umali as Most Popular Loveteam In Television at Box Office Entertainment Awards
Ruru Madrid on relationship with Bianca Umali: “Kahit di kami magkasama, kumbaga alam namin kung ano ang tama at mali, alam namin kung ano ang mga dapat naming ginagawa. We were just very supportive of each other na kahit na ano ang mangyari nandiyan kami para sa isa’t isa.”

Aminado ang magkasintahang Ruru Madrid, 26, at Bianca Umali, 24, na hindi perpekto ang kanilang relasyon at dumaraan din ito sa pagsubok.

Pero may pinanghahawakan sila upang maging matatag ang kanilang limang taong relasyon.

Panimulang pahayag ni Ruru, “Siguro kasi alam namin na yung relasyon naming dalawa, yung pinakasentro nito yung Panginoong Diyos, e. Kahit ano ang mangyari, mayroon kaming Ama na gumagabay sa aming dalawa.

“Kahit hindi kami magkasama, kumbaga, alam namin kung ano ang tama at mali, alam namin kung ano ang mga dapat naming ginagawa.

“We were just very supportive of each other na kahit na ano ang mangyari, nandiyan kami para sa isa’t isa.”

Pagsang-ayon ni Bianca, “Actually, yun talaga yung sikreto namin. It might sound common, pero iba yung magic na ang sentro ng relasyon namin ay yung faith namin, yung Ama talaga.

“Hindi kami araw-araw magkasama. Aminado kami hindi rin naman kami perpekto palagi, hindi araw-araw na okay kami. [Pero] araw-araw, e, mahal na mahal namin ang isa’t isa.

“Hindi nawawala yun. Pero alam namin na sentro ang Ama sa aming dalawa, alam namin na pinapanood Niya kami at utang namin ang lahat sa kanya.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Bianca at Ruru sa 52nd Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation Box Office Entertainment Awards, na ginanap sa Henry Lee Irwin Theater noong May 12, 2024.

RURU MADRID AND BIANCA UMALI ON KISSING SCENES

Tinanong din ng PEP sina Ruru at Bianca kung ipinapaalam pa ba nila sa isa’t isa kung mayroong kissing scene sa mga eksenang gagawin nila.

Ayon kay Bianca: “Actually, this answer goes to both ways. Mayroon kaming, kumbaga, sistema ni Ruru pagdating sa mga trabaho namin sa ganyan.

“Parehas kaming magtrabaho, we were both partnered to different people, different guys, differents girls.