Singer Olivia Rodrigo dating ‘Enola Holmes’ actor Louis Partridge

Olivia Rodrigo reportedly dating Louis Patridge

Nagbubunyi ngayon ang fans ng Filipino-American pop sensation na si Olivia Rodrigo, 20, dahil sa balitang may dine-date na ang “Traitor” hitmaker.

Ito’y matapos lumabas sa exclusive report ng The US Sun, isang entertainment website sa United States, noong October 31, 2023, na nasa dating stage si Olivia at ang British actor na si Louis Partridge, 20.

Si Olivia ay kilala sa kanyang mga kantang “Drivers License,” “Good 4 U,” “Traitor,” “Happier,” “Deja Vu,” “Enough for You,” “Vampire,” at “Brutal.”

Habang si Louis naman ay kilala bilang aktor sa mga pelikulang Enola Holmes (2020), at Enola Holmes 2 (2022).

Ayon sa source ng British online site, nagkakilala ang nagsimulang mag-usap ang dalawa dahil sa common friends.

Sinasabing kamakailan ay lumipad patungong London si Olivia para dalawin at makita si Louis.

Mababasa sa report ng The US Sun, “Olivia flew to London with her best pal, singer Conan Gray, but it was Louis who she came to see.

“They met through mutual pals earlier in the year and have been messaging quite a bit.

“She has spent a few days in the capital hanging out with them all but it’s been Louis who she has been inseparable from.”

Dagdag pa nila, “They have been for dinners and nights out. They hit a club together on Friday night and were acting very coupley.

“It’s really sweet to see her happy.”

Kasunod nito, kumalat sa Twitter ang litrato ng isang babae at lalake na tinutukoy na sina Olivia at Louis.

Kuha raw iyon sa London, na nagpatibay sa hinala ng netizens na may espesyal silang relasyon.

Olivia Rodrigo reportedly dating 'Enola Holmes' actor Louis Patridge

Sa litrato, makikita ang babae na nakayapos sa bewang ng isang lalaking hindi kita ang mukha. Papasok ang mga ito sa isang gusali.

Olivia Rodrigo reportedly dating 'Enola Holmes' actor Louis Patridge

Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang inilalabas na pahayag o kumpirmasyon sina Olivia at Louis tungkol sa isyu.