Snooky Serna admits insecurities at the height of rivalry with Maricel Soriano

Inamin ni Snooky Serna na dumaan siya sa bintana para iwasan ang mga showbiz reporter na nag-set visit sa location shoot ng pelikulang Inagaw Mo Ang Lahat Sa Akin (1995) sa Pagudpud, Ilocos Norte.

“Hiyang-hiya ako sa inyo nun, ewan kung naaalala niyo pa,” pag-amin ni Snooky sa finale mediacon ng Kapamilya teleseryeng Pira-Pirasong Paraiso nitong Enero 17, Miyerkules ng hapon, sa ABS-CBN Compund, Quezon City.

“Nung time ng Inagaw, nagtatago ako sa inyo. Dumadaan ako sa bintana. Kasi nung time na yun, parang takot na takot ako kay Tita Midz.

snooky serna maricel soriano

“Na pagka merong ganyang sasabihin niya, ‘O, may mga press, you will be interviewed.’ Ayoko!

“Kasi, to be in her presence, para akong matutunaw. Takot na takot ako. Pero I love her, ha? In a lot of ways.”

Ang “Tita Midz” na tinutukoy ni Snooky ay ang yumaong Armida Siguion-Reyna na producer ng nasabing pelikula, at gumanap bilang ina nila ni Maricel Soriano sa movie.

Nasa cast din ng Inagaw Mo Ang Lahat Sa Akin sina Robert Arevalo, Tirso Cruz III, at Eric Quizon.

Ang nagdirek ay si Carlitos Siguion-Reyna, mula sa panulat ni Bibeth Orteza.

Dagdag ni Snooky, “Sa totoo lang noon, malakas ang comparison between me and Maricel.

“Siguro parang ako, I’ll be very honest, parang I’m speaking for myself, nung mga panahon na yun, may mga insecurities din siguro.

“Na para bang, ‘Naku, I don’t want to hear the comparison.’ Talagang ano, ha, medyo kaanu-anuhan ko noon.

“Si Eric ang naging savior ko dun — for lack of a better word — si Eric ang parang… siguro, hindi ako magsu-survive dun kung wala si Eric Quizon.

“Si Eric ang pinakamabait talaga sa akin doon.”

ON WORKING WITH MARICEL SORIANO

Sandali lang si Maricel Soriano sa Pira-Pirasong Paraiso. Nategi agad ang karakter doon ng Diamond Star.

“Kay Inay, thank you for asking me that wonderful question. Binibining Pilipinas ang mga ano ko ngayon, ha!” natatawang sambit ni Snooky.

Ang “Inay” na tinutukoy ni Snooky ay si Maricel, na tinatawag na Inay Marya.

Pagpapatuloy ni Snooky, “Yung kay Maricel, bitin na bitin talaga ako! Nagkasama kami nang sandaling panahon lang.

“Lalo pa kasi ngayon na kung kailan kami tumanda, parang yung friendship namin, naging mas closer. Mas tight.

“Mas naging totoo yung pagiging magkaibigan namin ngayon. So, talagang it’s always a joy being able to talk to her, to act with her.

“Bitin na bitin talaga ako. Sana, prayer ko nga, nagpaparinig po ako… sana po, kung maaari lang po na kaming dalawa po ni Maricel ay may gawin something like Whatever Happened To Baby Jane?.

“O! May kuwento talaga ako!”

Ang Hollywood film na Whatever Happened To Baby Jane? (1962) ay psychological horror thriller, na pinagbidahan nina Bette Davis at Joan Crawford.

Snooky Serna recollects confronting an actress in a GMA-7 project | PEP.ph

REUNION PROJECT

Klap! Klap! Klap! Ang Pira-Pirasong Paraiso ay hindi lang reunion project nina Snooky at Maricel.

Ha! Ha! Ha! Nag-reunion din dito ang tatlong bida ng ST (sex trip) film na Machete II (1994) na sina Gardo Versoza, Rosanna Roces, at Snooky.

Napamulagat si Snooky nang sabihin ni Rosanna na handa itong i-workshop sina Loisa Andalio, Charlie Dizon, Alexa Ilacad, at Elisse Joson sakaling gagawa ang mga ito ng GL (girls love) project.

Nataranta ba siya?

“Parang medyo naaano ako dun, naa-alarm. Naku, naa-alarm?!” natatawang bulalas ng premyadong aktres.

“Parang nagulat ako dun sa reaksiyon na yun. But knowing Miss O, alam mo naman yung kapatid natin na yan, si Osang e very outspoken at hindi naman…

“Naku! Sineryoso talaga yung joke, no?! At hindi naman kumbaga… tama lang na maging coach ang isang Rosanna Roces. Ayan! Ha! Ha! Ha! Ha!

“Di ba?! Baka magkaintriga dito! Ano ba?! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Luka-luka!”

Parang kailan lang na nagkasama-sama sila sa Machete II na iprinodyus ng Seiko Films…

“Di ba? Nakakatuwa para kaming nag-full circle, nagkasama-sama kami uli ngayon sa Pira-Pirasong Paraiso. And I’m very, very happy, sa totoo lang.”

ON WORKING WITH ROSANNA ROCES

First movie ni Rosanna, Osang o Miss O sa Seiko Films ang Machete II.

Sa nauna nitong movie na Comfort Women: A Cry For Justice (1992) ay Ana Maceda pa ang screen name nito.

snooky serna rosanna roces pira-pirasong paraiso

Snooky Serna and Rosanna Roces

Pagbabalik-tanaw ni Snooky, “Si Miss O, nung nagsisimula pa lang noon, tahimik. Tahimik na tahimik siya.

“So, hindi ko matimpla kung ano, supladita ba ito, maldita ba itong batang ito or whatever.

“Pero wala siyang attitude sa work. Professional siya talaga. Kaya lang tahimik, hindi kami nagkaroon ng chance na magchika-chika kagaya ngayon.

“Sa awa ng Diyos, through the years, ayan after the pandemic, nagkasama kami ngayon uli.

“Nakita ko yung Rosanna Roces na hinangaan ng mga tao, na hindi ako nagtataka bakit. Kasi nakita ko, totoong tao talaga si Miss O.

“Kung hindi ka niya gusto, hindi ka niya gusto. Kung gusto ka niya, gusto ka niya. And I appreciate that.

“Kasi ang feeling ko, ‘Ay! Like ako ni Miss O, love ako ni Osang.’ Kasi, pinaglulutuan pa kami ng food. Masasarap!”

Like what?

“Ano ba ang favorite ko kay Miss O? Yung merong tausi. Tapos meron siyang ginawa din na callos, the best! Pinakamasarap na callos na natikman ko!”

Lengua? Lengua estofada?

“May lengua din siyang ginawa. Hmmm, double meaning. But iba ito, ito yung lengua ng baka,” paglilinaw ni Snooky.

“Naku! Lengua ng baka?! Ha! Ha! Ha! Ha! Ano ba ang pinagsasabi ko?! Ha! Ha! Ha!”

YOUNGER LEADING MAN

Nai-imagine ba niyang gagawa siya ng movie na batang aktor ang leading man niya?

Si Aga Muhlach, katambal si Julia Barretto sa pelikulang Ikaw Pa Rin Ang Pipiliin Ko na showing sa mga sinehan umpisa Pebrero 7.

Keri ba ni Snooky Serna na tumambal at makipag-kissing scene kina Joshua Garcia, Daniel Padilla, KD Estrada o Ronnie Alonte?

“Parang ako naman, naiilang ako sa ganung role. Call me a prude… pero parang… parang ayoko,” saad ni Snooky.

“Di ba? Huwag na lang. Huwag na, huwag na! Huwag na! Nakakahiya, baka ikahiya ako ng partner ko.”

Siyanga pala, anim na buwan sa ere ang Pira-Pirasong Paraiso, na co-production series mula sa ABS-CBN at TV5. Ito ay sa direksiyon nina Raymund Ocampo at Roderick Lindayag.

Magtatapos ang Pira-Pirasong Paraiso sa Enero 27.

Napapanood ito Lunes hanggang Biyernes ng 2:00 p.m. at kada Sabado ng 3:00 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC.